Filtered By: Showbiz News | News
Dennis Trillo: 'Gusto kong iba-iba ang aking ginagawa'
Published On: September 24, 2014, 07:55 PM
Updated On: February 23, 2020, 06:02 AM
The Drama King talks about bringing something fresh to his audience all the time.
By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Dennis Trillo seems to have done it all - an unfaithful husband in Temptation of Wife, a gay lover in My Husband's Lover, and now, as a soldier serving his country in Hiram na Alaala. He morphs from one role to another, and always tries to give his audience something fresh.
"Gusto ko rin 'yun eh, 'yung iba-iba ang aking ginagawa. Kasi ito ang sinasabi ko lagi na ang tagal ko na sa industriya, marami na akong nagawang roles, at kung 'yun at 'yun lang ang makikita nila sa akin, magsasawa sila," paliwanag ng tinaguriang Drama King.
Dagdag pa niya, "Ayokong mag-fade away na lang ang career ko. Gusto ko lagi akong nag-i-improve, laging may bagong inaabangan ang mga tao sa akin."
Pero paglilinaw ni Dennis, hindi naman daw niya sinasabing laging tama ang kanyang mga ginagawa pagdating sa pag-arte.
"Lagi lang akong mayroong conscious effort para pagbutihin ang trabaho ko. Kahit anong klaseng trabaho pa 'yan, kahit nasa showbiz ka, kailangan ire-reinvent mo pa rin kasi business pa rin 'yan eh."
Ang mahalaga para sa kanya ay hindi siya pagsawaan ng tao. "Kapag wala ka nang mai-offer na bago, 'yung mga kliyente mo baka magsawa sa 'yo. Ayoko mangyari 'yun."
Abangan si Dennis Trillo bilang Ivan sa Hiram na Alaala, weeknights after My Destiny, sa GMA Telebabad.
Trending Articles