Filtered By: Showbiz News | News
Kyline Alcantara
PHOTO COURTESY: itskylinealcantara (Instagram)
Showbiz News

Kyline Alcantara on her Cinemalaya audition: 'It was really a humbling experience'

By Dianne Mariano
Masaya ang Sparkle star na si Kyline Alcantara na nakapag-audition sa Cinemalaya 2025.

Isa si Kyline Alcantara sa mga nag-audition para sa Cinemalaya 2025, na naganap sa Cultural Center of the Philippines Complex sa Pasay City kamakailan.

Ayon sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, masarap sa pakiramdam ng Sparkle actress na nakapag-audition sa Cinemalaya at mayroon pa siyang mga nakilala habang nakapila.

“It was really a humbling experience. It takes back old memories na kasama ko po si mama nag-o-audition.

“Nakakatawa nga po, nung nag-audition po ako do'n, nandoon po si mama. Tas paglabas ko, sabi niya, 'Ano be, natanggap ka?' 'Wala pa, ma',” kwento niya.

Pinusuan at nagpakita ng suporta ang netizens sa larawan ni Kyline nang sumalang ito sa auditions.

Bukod kay Kyline, spotted din sa auditions para sa Cinemalaya 2025 ang ilan pang Kapuso stars gaya nina Juancho Trivino, Euwenn Mikaell, Lexi Gonzales, Jackie Lou Blanco, at iba pa.

Kasalukuyang mapapanood si Kyline Alcantara bilang Joanna De La Costa sa GMA Afternoon Prime series na Shining Inheritance.

ALAMIN ANG KAPUSO STARS NA BUMIDA SA CINEMALAYA SA GALLERY NA ITO.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.