
#Fangirlgoals ba kamo?
Na-meet lang naman ng Unang Hirit barkada na si Lyn Ching ang K-drama actor na si Joo Ji Hoon sa Singapore.
Mula sa balkonahe ng hotel ni Lyn sa Singapore, nakausap ni Susan Enriquez at Suzi Entrata-Abrera ang host at ikinuwento nito ng live ang kanyang fangirling moment.
Nabanggit nito na kaya siya nasa Singapore ay para sa Disney content showcase na pinapakita ang mga palabas at pelikula para sa taong 2025 at 2026.
Kuwento niya, "Kahapon isa sa mga artistang nandito na K-actor ay si Joo Ji Hoon, who is my favorite because all-time favorite K-drama ko yung show niya."
"So dumaan siya sa harap, actually wala nga dapat ako diyan, pero pumwesto ako dyan para lang makadaupang palad ko siya at hindi naman niya ako binigo, nakapag-hand heart kami," kinikilig na kuwento ni Lyn.
Pinansin daw ng mga kasama niya ang lakas ng kanyang tili kay Ji Hoon. Giniit niya na kalahati lamang ang kanyang tili doon at hindi siya ganoon kalakas tumili.
Biniro ni Susan at Suzi si Lyn na ito ay talagang tumili nang malakas dahil namamaos na ito sa live.
"Oo kasi ang gwapo talaga niya at saka simpatiko siya, I couldn't help it," pag-amin ni Lyn.
Makikita sa Instagram post nito ang kanyang fangirling moment kay Ji Hoon.
"Princess Hours or Goong is my Favorite KDrama of all time. As in EVER! So, it's understandable why I fangirled so hard tonight at the Disney Presents: A Night of Stars Fan Event, where the big stars of Disney's latest offerings for Disney Plus went on stage to talk about their show," isinulat niya sa caption.
Dagdag niya, "Joo Ji Hoon heads the show The Lightshop which comes out next month. He was so cute, interacting with his fans, giving us all kilig moments. I got to do heart hands with him. Ack!!!!!!!!"
Maraming napapa-sana all kay Lyn dahil nakita rin nito ang K-drama actor na si Kim Soo Hyun at Marvel star na si Anthony Mackie.
Ikinuwento ni Lyn na sobrang gwapo in person ni Soo Hyun at natalo nito ang ibang mga artista sa dami ng mga tumili para sa aktor.
Nabanggit naman ni Lyn na nasa event rin si Anthony para i-promote ang kanyang pelikula na Captain America: Brave New World na ipapalabas sa February 2025.
Tignan pa ang ibang mga artista na may fangirl/boy moment rin sa kanilang mga iniidolo: