GMA Logo Lovely Abella, Alden Richards, Kathryn Bernardo, Joross Gamboa, Kakai Bautista, Maymay Entrata, Jeffrey Tam
PHOTO COURTESY: lovelyabella_ (Instagram)
What's Hot

Lovely Abella expresses gratitude to 'Hello, Love, Again' co-stars

By Dianne Mariano
Published November 16, 2024 3:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News

Lovely Abella, Alden Richards, Kathryn Bernardo, Joross Gamboa, Kakai Bautista, Maymay Entrata, Jeffrey Tam


Actress Lovely Abella sa friendship nila ng kanyang 'Hello, Love, Again' co-stars: “Paabutin natin 'to ng forever.”

Labis ang pasasalamat ng actress-comedienne na si Lovely Abella sa pagkakaibigan nila ng kanyang Hello, Love, Again co-stars.

Ibinahagi ni Lovely sa Instagram ang photo collage kasama ang co-stars niyang sina Alden Richards, Kathryn Bernardo, Joross Gamboa, Kakai Bautista, Maymay Entrata, at Jeffrey Tam.

Ang dalawang larawan ay kinunan noong 2019 nang gawin nila ang Hello, Love, Goodbye at ang sequel nito ngayong taon.

Nagpasalamat ang celebrity mom at entrepreneur sa kanyang mga kaibigan at aniya'y paabutin na nang panghabambuhay ang kanilang pagkakaibigan.

“[Limang] taong pagkakaibigan. Salamat sa inyo mga mahal ko, madami ng nangyari sa kanya kanya nating buhay, madaming nagbago, madaming pinagdaanan pero ang ending tayo pa din. Paabutin natin 'to ng forever,” sulat niya sa caption.

Ipinapanalangin din ni Lovely na mas tumibay pa ang kanilang pagkakaibigan ng kanyang co-stars.

Patuloy niya, “Lord kayo na po ang bahala sa success ng movie na 'to ang Hello Love Again, praying Lord na lalo mong pagtibayin ang friendship namin, guide and protect our friendship. Thank you sa buhay ni Kath, Alden, Joross, Kuya Jeff, Ate Kakai at Maymay.

“Thank you at binigyan mo ako ng mga kaibigan para sumuporta, ma-encourage, at uplift pag may mga challenges. Lagi mo po silang bigyan ng wisdom sa araw-araw na pamumuhay, guidance sa lahat ng mga tatahakin nila.”

A post shared by Lovely Abella-Manalo (@lovelyabella_)

Samantala, ang Hello, Love, Again ay kumita na ng Php 245 million sa first three days nito sa Philippine cinemas at kasalukuyan itong napapanood sa 726 screens nationwide.

Mapapanood na rin ang nasabing pelikula sa mga sinehan sa Europe sa November 16.

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema)

Magkakaroon din ng screenings ang Hello, Love, Again sa UAE, Oman, Qatar, KSA, at Bahrain simula November 21.