Filtered By: Showbiz News | News
photo by: ashleyortega IG, GMA Integrated News YT
Showbiz News

Ashley Ortega, paano nagda-digress sa role na comfort woman sa 'Pulang Araw'?

By Kristine Kang
Sa kanyang panayam kasama ang 24 Oras, inamin ni Ashley na masakit sa dibdib gampanan ang kanyang karakter.

Isa si Ashley Ortega sa mga hinahangaan ng netizens dahil sa kanyang mahusay na pag-arte sa GMA hit family drama series na Pulang Araw. Ginampanan niya ang karakter na si Sister Manuela, isa sa mga naging comfort women noong panahon ng World War II.

Sa kanyang panayam kasama ang 24 Oras, inamin ni Ashley na masakit sa dibdib gampanan ang kanyang karakter. Ito rin daw ang pinaka-challenging role na kinuha niya sa isang serye.

"Once you do this scene, talagang maba-bother ka pero hindi ka pwede umatras, kailangan mo panindigan. Everytime I go home from work, I always take a shower. I really cleanse myself para maibalik ko ang sarili ko as Ashley kasi feeling ko, as you know with all the makeup and all the comfort women look, parang ramdam ko pa rin kasi na in character ako," pahayag niya.

Ngunit sa kabila ng mga pagsubok, mahalaga pa rin kay Ashley ang kanyang papel sa serye dahil ito'y isang pagkakataon daw para mailahad ang buhay ng mga naapi at maturuan ang mga manonood tungkol sa madilim na kasaysayan noong panahon ng Hapon.

“Gusto ko talagang bigyan ng justice 'yung role para sa lahat ng comfort women. 'Yun na rin 'yung parang tulong ko sa kanila kasi I think it's about time for their stories to be heard,” sabi niya.

Kaya naman patuloy ang Kapuso aktres na tumanggap ng inspiring roles sa telebisyon, katulad ng kanyang karakter sa isang Magpakailanman episode na "Sugat Na Hindi Naghihilom: The Andrea Coleen Velasco Story." Ginampanan niya ang buhay ni Coleen, isang babae na may scleroderma o autoimmune disease na nagiging sanhi ng paninigas at paninikip ng kanyang balat.

Sa sobrang damdamin ng kuwento ng kanyang karakter, lubusan naging emosyonal si Ashley para sa totoong Coleen. Aniya, "I actually became depressed and I feel a lot of people can really relate to that. At the end of the day, talagang lumaban din siya."

Mapapanood ang Pulang Araw tuwing weeknights, 8 p.m. sa GMA Prime.

Samantala, tingnan ang mga magagandang larawan ni Ashley Ortega sa gallery na ito:


Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.