Hazel Calawod, nag-react sa viral photo nila ni Willie Revillame
Napatawa na lang si Hazel Calawod, ang sikat na coach-therapist ni two-time Olympic gymnastics champion na si Carlos Yulo, nang tanungin siya ng media tungkol sa viral photo nila ni Willie Revillame.
Kamakailan kasi, naging usap-usapan sa social media ang isang photo kung saan tila nakikipag-usap si Hazel sa veteran TV host na si Willie Revillame.
Nilinaw ni Hazel na kinonsulta siya ni Willie Revillame dahil nais nitong magkaroon ng isang health program para palakasin ang kanyang pangangatawan, lalung lalo na ang kanyang mental toughness, para sa nalalapit na campaign season. Matatandaan na naghain si Willie Revillame ng kanyang certificate of candidacy para sa pagka-senador.
"I am actually pleasantly surprised that Sir Willie is interested in learning how to be healthy. I think he understands that when he's going to run for his campaign. It will increase the physical demand and mental demands on the person na rin, right? So he tapped me to prepare himself para mayroon siyang baon na energy [for it]," sagot ni Hazel sa piling members of the media sa Women EmpowHERment event na inorganisa ng Watsons Philippines sa Makati.
Naimbitahan si Hazel Calawod sa naturang event bilang isa sa speakers na nagsalita tungkol sa women empowerment and workplace equality. Sa kanyang talk, nag-share rin si Hazel ng kanyang naging experience bilang sports occupational therapist ni Carlos Yulo, pati na rin tips sa mga nangangarap maging Olympian. Nakasama ni Hazel sa panel sina SHE Talks Asia Co-Founder at CEO Lynn Pinugu, Women's Run PH Founder Nicole De La Cruz, at Watsons Senior AVP for Marketing, PR & Sustainability Sharon Decapia.
Mabilis din na sinagot ni Hazel ang mga nagkomento tungkol sa kanyang outfit sa photo, kung saan makikitang nakasuot siya ng high heels na boots samantalang nakapang-workout clothes naman si Willie Revillame.
"I think I got some bashers dahil sa heels na suot ko, pero don't worry guys, it was just an initial consultation. No gym training yet, wala pa," natatawang tugon ni Hazel.
Imbes na mag-focus si Hazel sa mga batikos, nais na lang niya magfocus sa kanyang trabaho.
Sa isang ekslusibong panayam ng GMANetwork.com, nagbigay si Hazel ng karagdagang detalye tungkol sa kanyang meeting kay Willie Revillame. Pinipili rin ni Hazel na hindi pansinin ang bashers.
"There was no gym training yet. It was a meeting about, what your [Willie's] health goals are.
"Yes, there will be people who will quickly judge it but for me kasi, alam ko na malinis yung intentions ko. Alam ko na doon ako sa healthcare, doon ako sa trabaho ko, hindi sa kung ano-anong chismis.
"So as of current, hindi ako naapektuhan. It will only affect me, I guess, if my family will feel bad about other people bashing me for what they don't understand yet based on the context of the photo.
"In terms naman po about sa magiging chismis that's possible out there, me kasi kilala ko ang sarili ko e. Kung heto ang trabaho ko, kung you want healthcare, and I know how to program people to have improved healthcare, doon ako naka-focus."
Sa naturang meeting, nailatag din nila kung ano ang magiging scope ng trabaho ni Hazel para sa kontrobersiyal na host.
"And nag-usap naman na po kami ni Sir Willie with regards sa kung ano yung work engagements. Actually si Sir Willie nagsabi rin siya kahapon po na, sobrang focused niya sa kung ano ang gusto nyang gawin, which is running [for public office].
"Ayaw niya ng chismis, ayaw niya ng gulo. Unang-una, it will be bad for him kung may gulo. And me, I'm entering this in a professional capacity. Doon ako sa professional challenge na 'Kaya ko ba 'to? Kaya ko bang tulungan si Sir Willie sa healthcare niya?'"
Naiintindihan naman din ni Hazel na parte ng pagtanggap niya ng trabaho mula sa isang malaking personalidad tulad ni Willie Revillame ang mga kaakibat na usap-usapin at chismis.
"Actually, pero very introverted po ako. And I'm sure 'yung mga taong nagfa-follow up sa akin would know, kasi hindi rin ako nag-a-update ng mga nangyayari sa akin. Right now, I am seeing it as a good platform to continue educating people about mental health and well-being. I see it as, 'Oh my God, baka kaya mo ako nilagay dito kasi baka mayroon kang gustong ipagawa sa akin. So I am trying to see it that way.
"I also consulted with my lawyer first before I did a meeting with Sir Willie and he said, 'Hazel, go where the opportunity is. Kung nakikita ka niya as the credible person to do this and magbabayad siya, e di doon ka mag-focus.
"For me, I also have my own financial goals in life, right? Also, for me, healthcare is a right. Healthcare is for everyone. So if there is someone like Sir Willie wanting to learn about how to be healthy, how to have a sustainable lifestyle, e di let's try to empower you [Willie] and give you education about health sciences."
So, dedma sa bashers and trabaho lang?
"Opo! Kasi unang una, kung magpapaapekto ako sa bashers, e di parang sinabi ko na rin sa sarili ko na hindi ako resilient enough. E di ba nga I am teaching mental toughness.
"So for me, it's all about perspective. So alam ko sa sarili ko, doon ako sa trabaho, doon ako sa kung ano ang scope of work, yun lang ang scope of work. Ganoon ako ka-focus as a professional."
Get to know Hazel Calawod, Carlos Yulo's sports occupational therapist