Herlene Budol at Pokwang, magsasama sa upcoming GMA series na 'Binibining Marikit'
Matapos ang revenge drama na Magandang Dilag (2023), bibida muli ang beauty queen at aktres na si Herlene Budol sa telebisyon via the upcoming GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit.
Makakasama niya sa panibagong afternoon drama ang kapwa niya komedyante na si Pokwang, na co-host niya rin sa Kapuso variety show na TiktoClock.
Ngayong Biyernes, October 11, opisyal silang ipinakilala bilang parte ng main cast ng Binibining Marikit sa ginanap na story conference nito.
Kabilang sa mga dumalo rito ang iba pang cast members ng aabangang soap gaya ni Tony Labrusca, na unang beses gagawa ng serye sa GMA.
Mapapanood din si Binibining Marikit sina Cris Villanueva, Almira Muhlach, Thea Tolentino, Dr. Rob Walcher, Ashley Rivera, John Feir, Jeff Moses, at Migs Almendras.
Aabangan din ang isa pang miyembro ng cast na magiging isa sa ka-love team ni Herlene sa Binibining Marikit.
Idederehe ni Jorron Lee Monroy ang Binibining Marikit na mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group.