Filtered By: Showbiz News | News
suzette doctolero
source: suzidoctolero/IG
Showbiz News

Suzette Doctolero, maagang nahanap ang tatak niya bilang isang writer

By Kristian Eric Javier
Alamin kung bakit naisulat ni Suzette Doctolero ang mga seryeng ginawa niya.

Bilang isang manunulat, alam ni Pulang Araw head writer Suzette Doctolero na isa sa mga kailangan ng kaniyang mga proyekto ay ang tatak niya. Masuwerte umano ang batikang writer dahil maaga niya itong natuklasan.

Sa latest episode ng Updated with Nelson Calas podcast, ikinuwento ni Suzette na bago pa siya naging isang head writer ay nag-aral at nag-training muna siya bilang isa sa mga manunulat ng mga soap opera.

Dito umano niya natutunan ang iba't ibang kaalaman niya tungkol sa mga traditional na teleserye katulad ng kung bakit pinapanood ng audience, at kung bakit nakakahugot sila mula sa mga ito.

“Ang tagal kong nag-training ng traditional soap, inaral ko talaga 'yung soap opera e. Bakit siya pinapanood ng audience? Bakit may hugot ang audience sa kaniya?” sabi ni Suzette.

Ayon kay Suzette, 19 pa lang, noong nasa kolehiyo siya, nagsimula na siyang magsulat. Kaya naman, noong maging isa siya sa mga head writer ng GMA ay natanong niya umano ang sarili, “Ano ang brand ko? Kasi ito ba 'yung gusto kong isulat na, e, alam ko na siya, kabisado ko na 'yung traditional soaps?”

“Nu'ng pinromote ako many many years ago, ang una kong tinanong sa sarili ko, 'Ngayong head writer na'ko, boses ko na ang maririnig. Tatak ko ang maririnig.' Pero nagtanong ako sa sarili ko, 'Ano ang tatak ko? Ano ang boses ko as a writer?' Importante 'yun e,” sabi ni Suzette.

Pagpapatuloy niya, “At natuwa ako na nagtanong ako ng ganiyan sa sarili ko many years ago because naging concious ako kung ano ang gusto kong gawin.”

BALIKAN ANG MGA CELEBRITY NA NAGING AUTHORS DIN SA GALLERY NA ITO:

Naging tanong din umano ni Suzette sa sarili kung gusto pa ba niyang ipagpatuloy gawin ang mga nalaman niya noon sa traditional teleserye, o marinig na ng iba ang boses niya. Ang naging sagot ng batikang writer, “Nag-decide ako na gusto kong marinig 'yung boses ko.”

“Gusto kong ma-create 'yung boses ko at baka naman may makinig, baka may manood, baka maka-create naman ako ng sarili kong boses sa industriya. 'Yun ang naging guiding light ko, I think,” sabi ni Suzette.

Dagdag pa niya ay simula noong malaman na niya sa sarili kung ano ang kaniyang magiging tatak ay naging mas-conscious siya sa mga proyektong ginagawa. Kaya naman, ang kauna-unahan niyang proyekto bilang head writer ay ang 2005 fantasy series na Encantadia.

“After Encantadia, gumawa ako ng mga action series with siyempre si Carlo Caparas 'yun, Totoy Bato, Joaquin Bordado, Lupin, in-adapt natin, tapos ginawa ko 'yung Indio with Senator Bong [Revilla Jr.] I think Spanish Fatasy-Historical fiction din siya,” pagpapatuloy ni Suzette.

Pakinggan ang buong panayam kay Suzette dito:

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.