Filtered By: Showbiz News | News
Source: Angelu De Leon (Facebook)
Showbiz News

Angelu De Leon, sinagot ang basher ng kaniyang birthday community pantry

By Jimboy Napoles
Hindi pinalampas ni Angelu De Leon ang pambabatikos sa ginawa niyang pamimigay ng gulay sa isang komunidad.

Sinagot ng batikang aktres na si Angelu De Leon ang post ng dalawang netizen sa X (dating Twitter). Pinuna ng mga ito ang pamimigay niya ng sitaw sa isang komunidad kasabay ng paanyaya sa mga ito na manood ng seryeng Pulang Araw kung saan siya ay parte ng cast.

Sa post ng unang netizen, makikita ang video ni Angelu kung saan nag-aabot siya ng gulay na sitaw sa mga nakapilang residente habang pino-promote ang nasabing serye.

“Kakapiranggot lang na gulay tapos gusto mo manood ng Pulang Bangaw? Grabe na ang pagka-desperada mo gurl,” caption ng basher ni Angelu.

Agad naman itong ni-repost ng isa pang netizen, “JUST INday Badiday: Pulang Araw, namigay ng limang pirasong sitaw mapanood lang. Yes po, lima po, nabilang ng SVG at Nielsen…CHARitable!”

Dito na nag-reply si Angelu. Paliwanag niya, “Hi, I do my yearly birthday community pantry as a way of giving back and being grateful to my constituents. Personal ko po ito.”

Buwelta pa ngbatikang aktres, “Nahiya naman ako na hindi ito sapat para sa'yo. Pero I guess hindi ka naman taga-Pasig. I will promote Pulang Araw because I am proud of our show.”

Sa Facebook, nilinaw din ni Angelu na hindi lang sitaw ang kanilang ipinamigay sa mga residente.

“Meron pa hong putol na upo kasi hindi ko kaya mag bigay ng buo. Pinuputol namin para meron ang lahat. May talong, ampalaya at okra din. Ang mahal na pala talaga ng gulay ngayon. Hindi talaga aabot ang 64 pesos sa isang masustansyang meal per day,” saad ni Angelu.

Matatandaan na nagtatrabaho din bilang konsehal ng Pasig City si Angelu. Sinabi niya rin sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan na nagpaalam muna siya sa kanilang Mayor na si Vico Sotto bago niya tanggapin ang kaniyang role sa Pulang Araw.

Binibigyang buhay ni Angelu sa Pulang Araw ang karakter na si Carmela Borromeo, ang asawa ni Julio Borromeo (Epy Quizon) at ina ni Teresita Borromeo (Sanya Lopez). Isa siya sa mga kontrabidang nagpapahirap sa buhay nina Eduardo (Alden Richards) at Adelina (Barbie Forteza).

Ang Pulang Araw ang nagsisilbing comeback project ni Angelu matapos magpahinga sa showbiz ng ilang taon.

Bukas, August 22, ipagdiriwang ni Angelu ang kaniyang 44th birthday.

RELATED GALLERY: Then and now: Angelu de Leon's ageless beauty

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.