Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, at iba pang bida ng 'Mga Batang Riles,' sumabak sa acting workshop bago mag-taping
Bago magsimula mag-taping, sumabak muna ang mga bida ng upcoming GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, Bruce Roeland, at Antonio Vinzon sa isang acting workshop kasama ang batikang direktor at aktres na si Laurice Guillen.
Ayon kay Miguel, maganda na nagkaroon sila ng workshop bago mag-taping lalong-lalo na sa ilalim pa ni Direk Laurice.
Pahayag niya, "Magandang opportunity po sa'min 'tong cast na maturuan ng isang Direk Laurice Guillen. Actually, matagal na itong ini-schedule, matagal ko na ring nilo-look forward, and finally, natuloy na."
Dagdag ni Kokoy, "Ako, personally, bukod doon sa excited sa pag-start ng Mga Batang Riles, ako, 'yung takeaway dito, mas iba 'yung naging tingin ko sa craft na ginagawa ko."
Sa kanilang showbiz career, marami nang workshop ang napagdaanan ng limang bida pero aminado sila na iba pa rin kapag si Direk Laurice ang nagbibigay nito.
Saad ni Raheel, "Gaya ng sinabi ni Direk Laurice na walang pong failures dito. You only fail if you do not try, and, I think, we all tried naman."
Para kay Bruce, iba ang naging bonding nilang lima dahil sa acting workshop na ito.
Aniya, "Nakilala namin 'yung isa't isa lalo dito, 'yung bond talaga namin."
Pagtatapos ni Antonio, "'Yung hindi namin nasusubukan, nasubukan namin. Sobrang galing ni Direk magturo."
Bukod sa kanilang lima, makakasama rin nila sa Mga Batang Riles sina Zephanie, Diana Zubiri, Desiree Del Valle, Jay Manalo, Mr. Ronnie Ricketts, at Ms. Eva Darren.
Abangan ang Mga Batang Riles, malapit na sa GMA Prime.