Filtered By: Showbiz News | News
Lolo and the Kid move in Netflix
Showbiz News

'Lolo and the Kid' ranks 1 in Netflix's top 10 movies in the Philippines

By Kristine Kang
Updated On: August 9, 2024, 07:05 PM
Isa sa mga nangunguna ngayon ang pelikula nina Euwenn Mikaell at Joel Torre sa Netflix!

Maraming nanood at nag-enjoy sa bagong pelikula ng Sparkle star na si Euwenn Mikaell at beteranong aktor na si Joel Torre na pinamagatang Lolo and the Kid.

Sa loob lamang ng ilang araw simula noong mailabas ito sa streaming platform na Netflix, nanguna ang pelikula sa listahan ng "top 10 movies in the Philippines." Marami rin ang tumangkilik sa palabas at pinag-usapan ito sa social media. Pumasok ang Lolo and the Kid sa Top 20 trending sa X (dating Twitter) at marami rin nag-post tungkol dito sa Facebook.

Base sa mga komento ng netizens, maraming naiyak sa kuwento ng pelikula at humanga sa chemistry ng bidang award-winning actors. Nag-trending din ang ginamit na theme song na pelikula na "Through the Years" dahil hindi nila raw malilimutan ang mga hearfelt eksena sa palabas.

Tingnan ang mga kumento ng netizens tungkol sa Lolo and the Kid, dito:

Ang Lolo and the Kid ay tungkol sa buhay at adventures ng dalawang mag-lolo kung saan haharapin nilang magkasama ang mga pagsubok sa buhay at twists na hahamon sa kanilang relasyon. Sa trailer ng pelikula, ipinakita rin ang dalawang karakter na nag-uusap tungkol sa reyalidad ng buhay. Isa sa mga highlight na sinabi ng karakter ni Joel, "Kid, ang mahalaga diskarte. Kapag wala kang diskarte sa mundong ito, mamamatay kang dilat at walang laman ang tiyan mo."

Kasama rin ng dalawang award-winning actors ang mga iba pang magagaling na artista, katulad nina Iza Calzado, Meryll Soriano, Alfred Vargas, at Asawa ng Asawa Ko star Joem Bascon.

RELATED GALLERY: Young Sparkle talents set to dazzle us even more this 2024

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.