What's Hot

Carlos Yulo, matagal nang napatawad ang magulang

By EJ Chua
Published August 9, 2024 11:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

carlos yulo


May kahilingan ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo tungkol sa isyu ng kanilang pamilya.

Muling nagsalita ang Filipino Olympian na si Carlos Yulo patungkol sa isyu ng kanilang pamilya.

Nitong August 8, sa naging panayam ng 24 Oras anchor na si Mel Tiangco kay Carlos, nagbigay ng pahayag ang huli tungkol sa katatapos lang na press conference, kung saan nagsalita ang kanyang inang si Angelica Yulo.

Ayon kay Caloy, “Ako naman po, matagal ko na pong napatawad ang parent ko po.”

Kaugnay nito, tila may kahilingan ang two-time Olympic gold medalist.

“Sa akin lang po, personal na po namin itong problem, ayaw ko na rin po masyado 'tong pag-usapan,” sabi niya.

Kasunod nito, nag-focus si Carlos sa pagbigay-pugay sa kapwa niya Filipino athletes na nakilahok sa 2024 Paris Olympics.

Sabi niya, “Nandito po tayo ngayon sa Olympics, gusto ko pong i-celebrate natin 'yung mga pinaghirapan po ng mga atleta at 'yung mga nakamit ng mga atleta.Sobrang proud po ako sa mga atletang Pilipino na ipinaglaban ang Pilipinas,” pagpapatuloy niya.

Dagdag pa niya, “Alam ko po may mga natalo, 'yung ibang [mga] atleta, pero sobrang proud po ako sa kanila, sa dedication, sa effort, and pag-show up po nila sa araw na 'yun. Nasa inyo ang suporta ko, mahal na mahal ko kayo.”

Ang pangalan ni Carlos ang isa sa pinakamaingay ngayon sa sports industry matapos niyang masungkit ang dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.

Samantala, tingnan ang sweet moments ni Carlos at girlfriend niyang si Chloe San Jose sa gallery na ito: