SB19's Stell gets real about SB19 members on pursuing solo careers
Naging totoo si Stell tungkol sa pag-pursue ng SB19 members ng kanya-kanya nilang solo careers.
Sa ikalawang gabi ng "Ang Ating Tinig" concert, ipinarating ni Julie Anne San Jose ang paghanga niya sa P-pop Kings na SB19.
"Ang Ating Tinig" ang first concert together nina Julie at Stell na ginanap noong July 27 at 28 sa New Frontier Theater.
"Alam mo 'yung isa pang bagay na ina-admire namin, ako personally about SB19, nakaka-proud kayo kasi ongoing 'yung projects n'yo together pero at the same time free kayo to pursue your own music," sabi ni Julie kay Stell.
Pahayag naman ni Stell sa sinabing ito ni Julie, "Siyempre kami as SB19, masaya kami na magkakasama kami but ayaw namin ikahon 'yung sarili namin.
Dagdag niya, "Gusto namin bawat isa sa amin mag-explore and mag-excel sa gusto nila, sa sarili nila. Siyempre, aminin natin hindi pang-habang buhay magkakasama kami.
"Aminin natin darating 'yung time... pero syempre 'yung friendship, 'yung family na na-build namin nandu'n na 'yon forever."
Ang SB19 ay binubuo ng limang miyembro na sina Pablo, Stell, Josh, Ken, at Justin. Nag-debut ang grupo noong 2018 nang ilabas ang una nilang single na "Tilaluha."
MAS KILALANIN ANG P-POP KINGS SB19 AT ANG KANILANG ACCOMPLISHMENTS SA GALLERY NA ITO: