Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Beatrice Gomez, nag-abot ng tulong kasama ang GMA Kapuso Foundation
Tuloy pa rin ang pag-aabot ng donasyon ng GMA Kapuso Foundation kasama ang mga nag-volunteer na Kapuso stars.
On duty para sa bayan ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, Encantadia actor Rocco Nacino, at Miss Universe Philippines 2021 na si Beatrice Luigi Gomez.
Habang nakasuot ng kanilang uniporme bilang navy reservists, tumulong ang Kapuso stars sa pag-abot ng relief goods para sa mga nasalanta sa Marikina. Bumisita sila sa Malanday Elementary School at Barangay TaƱong.
Sa kanilang panayam sa 24 Oras, pahayag nila na automatic daw para sa kanila ang tumulong sa ganitong pagkakataon.
"Ito 'yung mga bagay na ginagawa namin as reservists. One of the few things that we do as a reservist kaya kung saan po may kailangan nandoon kami especially sa GMA Kapuso Foundation right now. Dito sa Marikina," sabi ni Dingdong.
Labis naman ang saya ni Rocco na makapaghatid ng tuwa para sa mga biktima ng bagyo.
"Mukhang nakakapaghatid kami ng ngiti dito so malaking bagay na iyon para sa amin," pahayag ng aktor.
Dagdag naman ni Beatrice, "Ako personally as a Cebuana, personal kong naranasan ito nu'ng 2021 during (bagyong) Odette. So I know what it feels like."
Grateful at proud sa Kapuso stars ang Executive Vice President at Chief Operating Officer ng GMA Kapuso Foundation na si Rikki Escudero-Catibog.
Aniya, "I'm very very proud of all of them. Kasi alam mo ang kasabihan ngayon,' Kindness is the new wealth', and it is very important na gamitin ang celebrity for charity."
Nang kinamusta naman ang Kapuso stars, okay naman silang lahat sa bahay at malaking pasasalamat nila na hindi sila gaanong naapektuhan ng bagyo.
"Thank God okay naman. Nakakalungkot lang na may ibang hindi okay kaya sana matapos na ito para sa kanila as soon as possible," sabi ni Dingdong.
Para naman kay Rocco, "Okay naman kami sa Antipolo. Okay naman pero malakas ang hangin pero hindi ako makababa. 'Di makababa ang mga tao para tumulong."
Kuwento rin ni Beatrice, "So nakita ko talaga 'yung rumaragasang Marikina river. We were just fortunate na medyo malayo kami sa area and mataas 'yung tinitirhan namin. Pero nakakaawa talaga 'yung mga affected."
Patuloy pa rin ang pagtulong ng GMA Kapuso Foundation at Sparkle GMA Artist Center sa mga biktima ng bagyong Carina.
Malaking tulong din ang ibinigay ng artist center dahil ang mga na ipong funds sa GMA Gala 2024 ay idinonate sa foundation.
Tingnan ang mga iba pang Kapuso stars na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina, dito: