Gabbi Garcia nang maisuot ang costume sa 'Sang'gre': 'Parang automatic si Alena ulit ako'
Sumalang na sa taping ng Encantadia Chronicles: Sang'gre si Gabbi Garcia para sa pagbabalik bilang Sang'gre Alena.
Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, "nostalgic" para kay Gabbi ang first taping day sa Sang'gre.
"Nakakatuwa because parang everybody is just really getting back into their characters. At saka parang naka-engrave na siya sa akin," sabi ni Gabbi.
Dagdag pa ng aktres, naisuot na rin niya ang costume sa Sang'gre. Aniya, "Nu'ng sinuot ko 'yung costume ko parang automatic si Alena ulit ako."
Bukod kay Gabbi, una nang sumalang sa taping ang 2016 OG Sang'gre na sina Sanya Lopez, Glaiza De Castro, at Kylie Padilla.
Pagbibidahan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ng new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, Angel Guardian bilang Deia.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, soon sa GMA Prime.
BALIKAN ANG BEHIND-THE-SCENES NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' TEASER SA GALLERY NA ITO: