Gabbi Garcia, nagsimula na sa kanyang 'Sang'gre' taping
Nagsimula na rin sa kanyang unang taping day si Sang'gre Alena Gabbi Garcia para sa upcoming fantasy series na Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayon, July 9.
“And @gabbi makes 4! Avisala Sang'gre Alena! Gabbi Garcia also reported for her first day for Sang'gre today. And it feels like nothing has changed,” anunsyo ni Direk Mark Reyes sa kanyang Instagram account.
Kuwento niya, bigla umano naalala ni Gabbi kung gaano ka-tricky ang Filipino lines para sa Encantadia.
“I better stop talking in English!” biro umano ni Gabbi kay Direk Mark matapos nitong magkamali sa ilang salita tulad ng Lireo.
BALIKAN ANG BEHIND THE SCENES PHOTOS NG NEW YEAR TEASER VIDEO NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO:
Si Gabbi ang huli sa mga Sang'gre na nagsimula ng kanyang taping pagkatapos nina Glaiza De Castro at Sanya Lopez. Pinost din ni Direk Mark ang pictures niya kasama ang ibang mga Sang'gre, kabilang na si Kylie Padilla.
Aniya, gusto lang niyang mag-roll call ng mga “reporting for duty moments” ng mga Sang'gre at sinabing “We still have a lot of casting surprises for you… just wait for it!”
Sa comments section, sinabi ni Gabbi na “happy to be back again” siya sa serye.
Maraming fans din ang nagpahayag ng kanilang excitement sa pagbabalik ng OG Sang'gres.
Sabi pa ng isang fan, “Ikinagagalak po naming makita muli ang mga 2016 Sang'gres sa bagong Enca Season!”
Kamakailan lang ay inanunsyo rin ni Direk Mark ang first day ng shooting ni Kylie para sa serye, at ang pagbabalik naman ni Solenn Heussaff bilang si Hara Cassiopea.
Tingnan ang post ni Direk Mark dito: