GMA Logo Kapuso personalities
What's Hot

Bagong GMA Station ID na 'Isa Sa Puso ng Pilipino,' may 1M online views na

By Jimboy Napoles
Published June 29, 2024 5:43 PM PHT
Updated July 2, 2024 12:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso personalities


Maraming salamat sa inyong suporta, mga Kapuso!

Trending at pinag-uusapan ngayon sa social media ang bagong GMA Station ID na pinamagatang “Isa Sa Puso ng Pilipino” na ipinalabas Biyernes ng gabi, Hunyo 28.

Wala pang bente kuwatro oras, pumalo agad sa mahigit 1 million online views ang bagong station ID ng Kapuso network na mapapanood sa YouTube at Facebook.

Nakatanggap din ng papuri ang bagong Kapuso station ID mula sa solid Kapuso viewers.

“Napaka-makabayan ng bagong SID ng Kapuso. Maluha-luha ako. Napapanahon siya, dahil sa sitwasyon natin ngayon. Napaka galing pa ng pagkakakanta ni Julie kaya damang-dama mo bawat linya ng kanta. Ang ganda pa ng cinematography niya. Itinaas ng GMA ang antas ng kalidad sa paggawa ng SID,” komento ng isang fan.

“Nagbago man ang tono at ang salita ng kanta, pero feel na feel ko pa rin ang pagka-maka-Pilipino nito, Kudos GMA Network namumukod tangi ka, nag-iisa at pinakamalaki at pinakamalawak na TV Network sa buong Pilipinas. A network with a [heart],” dadag pa ng isang Kapuso fan.

“'Yung mensahe talaga ng kanta may meaning na tagos sa PUSO. Iba talaga ang PUSO ng isang KAPUSO,” komento naman ng isang netizen.

Ang “Isa Sa Puso ng Pilipino” ay inawit ng mahuhusay na Kapuso singers sa pangunguna ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose. Binigyang buhay din ito ng Orchestra of the Filipino Youth mula sa organisasyon na Ang Misyon, Inc., na pinamumunuan ng Filipino orchestra conductor at composer na si Gerard Salonga.

Tampok sa bagong GMA Station ID ang ilan sa mga Kapuso star at news personalities.

Panoorin ang “Isa Sa Puso ng Pilipino” DITO:

RELATED GALLERY: GMA artists, ibinida ang kanilang proudest achievement bilang Kapuso