Dingdong Dantes, malaki ang nagbago sa pag-arte matapos maging direktor
Isa sa mga pinakahinahangaang aktor ngayon ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Bukod kasi sa galing niya sa pag-arte, napatunayan na rin niya ang husay sa likod ng camera bilang isang producer at director.
Sa interview niya sa Father's Day episode ng GMA Pinoy TV podcast, inamin niyang magkakaiba ang fulfillment na nararamdaman niya bilang aktor, producer, at direktor. Pero sa huli, dahil acting pa rin ang kaniyang first love, ay 'yun pa rin ang pinaka na-e-enjoy niyang gawin.
Nang tanungin naman siya kung nabago ba ng pagiging direktor niya ang kaniyang pag-arte, ang sagot ng Kapuso Primetime King, “Yes, because sometimes I get more conscientious about 'yung mga bagay na pumapalibot lang du'n sa performance.”
Paliwanag niya, “Minsan it's good, minsan hindi, so there are good things about that pero mas madalas oo kasi it benefits the whole picture.”
Aniya, ngayong alam na niya ang mga bagay na direktor lang ang nakakaalam, mas na-appreciate niya umano ang kaniyang trabaho bilang aktor at direktor dahil “I get to see both sides.”
BALIKAN ANG STELLAR CAREER NI DINGDONG SA GALLERY NA ITO:
Samantala, inihalintulad naman ni Dingdong ang kaniyang growth at roles na nagagampanan sa kaniyang karera bilang "chapters" ng kaniyang buhay. Aniya, kaakibat ng bawat chapter na dumadaan sa buhay niya ang iba't ibang roles na nagagampanan niya.
“Nu'ng panahon na 'yun (TGIS), ang mahalaga lang ay kailangan ibigay mo 'yung todo mo sa mga roles na 'yun. Kung 'yun lang naman 'yung alam kong gawin, sige, go! And siguro, habang tumatanda rin ako, naggu-grow din 'yung mga responsibilities, nagu-grow din 'yung mga roles na puwede kong gampanan,” sabi niya.
“Wholeheartedly tinatanggap ko 'yun just like any other cycle, in a new chapter, I embrace change, I embrace challenges, and I embrace every opportunity to do what I love to do,” pagpapatuloy ng aktor.
Tungkol naman sa pagiging isang Kapuso, masasabi ni Dingdong na “pagka Kapuso ka, you feel at home.” At para sa aktor, ang ibig sabihin nito ay kumportable siya at marami siyang magagawa bilang parte ng showbiz industry.
“That's what I celebrate, I really like the fact that I am able to do the things that I love,” sabi niya.
Pakinggan ang buong interview ni Dingdong dito: