GMA Logo Sharon Cuneta
Source: netflixph (IG)
What's Hot

Sharon Cuneta recreates iconic 'Sakay Na!' commercial in newest streaming service ad

By Kristian Eric Javier
Published June 21, 2024 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Sharon Cuneta


From 'Sakay Na' to 'Lipad Na,' Sharon Cuneta is back as the Queen of Commercials in her newest ad.

Nagbabalik bilang Queen of Commercials ang aktres na si Sharon Cuneta para sa online streaming service na Netflix. Dito ay ni-recreate ng aktres ang kanyang iconic 'Sakay Na!' advertisement para sa isang ferry company.

Sa Instagram, nag-post si Sharon ng picture niya mula sa bagong commercial.

Aniya, “Ilang taon ako sa barko ko na Ferry - paggaling doon di na ako nakabihis, dumerecho na sa Netflix! @netflixph P.S. Kaya nagkakasakit lumipad uli eh!”

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Sa lumang advertisement, mapapanood si Sharon na nakasakay sa ferry bago lumipad papunta sa iba't ibang rehiyon o probinsya ng Pilipinas. Makikita rin ang aktres na nakikisaya sa mga pagdiriwang at fiesta sa mga napuntahan niya.

Sa kanyang Netflix ad, makikita naman si Sharon na naghahanda ng pagkain para sa kanyang pamilya at tinatanong kung “Ano pa kaya ang puwedeng trip today?”

Pagkatapos nito ay makikita ang aktres na magbubukas ng TV para manood ng Netflix, bago biglang lilipad gaya ng sa kanyang dating commercial.

Ngunit ang pinuntahan niya, ang iba't ibang Metro Manila Film Festival entries na ipinapalabas at ipapalabas sa Netflix, kabilang na ang pelikula nila ni Asia's Multimedia Star Alden Richards na Family of Two.

BALIKAN ANG MGA CELEBRITIES NA NAGSIMULA SA COMMERCIALS SA GALLERY NA ITO:

Kagaya sa dati niyang commercial, nakiki-interact din siya sa ilang movies na dinadalaw niya. Kasabay nito ay isang upbeat song tungkol sa ganda ng pelikulang Pilipino, na hango rin sa kanta niya sa dating ad.

Sa dulo ay ipinakita ang iba't ibang MMFF entry films na kasalukuyang ipinapalabas at ipapalabas sa Netflix, bago ipakita ang mga katagang “Lipad Na” kasabay ng monthly subscription price sa naturang service.

Marami naman ang nakaramdam ng nostalgia nang mapanood ang recreation ni Sharon sa kanyang dating commercial. Ang iba, sinabi pang walang kupas ang aktres.

Bukod kay Sharon, maraming celebrities na rin ang nag-advertise para sa nasabing streaming service, kabilang ang girl dance group na SexBomb Girls.

Panoorin ang nasabing commercial dito: