Cassy Legaspi at Michael Sager, sumailalim sa direksyon ni Zoren Legaspi sa 'Regal Studio Presents'
“Medyo weird po 'yung dynamics.”
Iyan ang naging sagot ni Cassy Legaspi sa kung ano ang pakiramdam nila ng kanyang co-actor na si Michael Sager na ang tatay niyang si Zoren Legaspi ang magdi-direct ng kanilang first project together.
Ngayong Linggo, June 23, bibida sina Cassy at Michael sa romantic comedy episode ng Regal Studios Presents na "Fishing for Love." Ayon sa young actress, weird man na makita ang kaniyang tatay bilang director nila, nasanay na rin naman siya sa kanilang dynamics.
Sa interview nila kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras, paliwanag ni Cassy, “Dati po, nu'ng nagte-tennis ako, every time nasa tennis court kami, bawal 'Yung 'Tatay, tatay,' bawal. Pagdating sa court, dapat, 'Coach, coach, question.' So dito, bawal, 'Pa, pa,' bawal. 'Direk, may question po ako, direk.'"
Para naman kay Michael, “Ay 'yun na po. 'Pag sinabi ni direk na 'Actors in,' actors in.”
Kuwento pa ni Cassy, kapag sinabi na ni Zoren na “actors in,” nauuna na si Michael sa set habang siya ay hindi pa tapos maghanda para sa eksena.
Ayon naman kay Zoren, nakita niyang nanibago ang young aktor sa kung papaano niya atakihin ang mga eksenang kinukunan nila.
Aniya, “Kasi nu'ng una, nu'ng nagre-rehearse kami, medyo stiff siya so sabi ko, loosen up.”
Pero paglilinaw ng actor-director, “Aside from that, he's okay kaya kung mapapanood nila dito, talagang matutuwa sila sa dalawa, promise 'yan.”
TINGNAN ANG FAMILY BONDING NINA CASSY, ZOREN, CARMINA AT MAVY SA GALLERY NA ITO:
Magiging challenge para kina Cassy at Michael ang ipakita ang kanilang chemistry sa isang romantic comedy project, lalo na at ito ang first time nilang magkakatrabaho bilang partners.
Ayon sa young actress, makikita ng mga manonood ang “lighter, mas kilig side of us.”
“And I think I could say for Michael siguro, mas 'yung pa-cute side niya. Kasi naging serious actor ka na. I mean, sa Shining Inheristance, super heavy drama,” sabi niya.
Ayon naman kay Michael, matagal na niyang gustong makatrabaho si Cassy sa isang project dahil alam niyang talented ito.
“Before naman po napapanood ko na mga shows niya. So to be working with her in this Regal Stuios Presents, it's just a belssing,” sabi niya.
Unang nagkatrabaho sina Cassy at Michael sa noontime show na Tahanang Pinakamasaya at pag-amin ng dalawa, naging close sila sa programang ito. Gayunman, inamin ng aktor, “Parang kinakabahan ako ng slight” sa kanilang Regal Studios Present episode, na sinang-ayunan naman ng kaniyang co-star.
“Kahit alam mo 'yun, close na kami, loose na kami, 'pag dating sa linyahan, sabi ko, we kept a boundary naman na work is work,” sabi ni Michael.
Sabi ni Zoren, dahil ito ang first time nila na magiging partner sa isang project ay hindi magiging madali para kina Cassy at Michael ang transition.
Aniya, “Although nag-uusap kayo in real life, it doesn't mean na magki-click kayo on-cam. It's a tango. Magtatango sila na dapat in a proper tune para balance sila pareho.”
Panoorin ang interview nila dito: