What's Hot

Away lalake sa 'My BFF'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 14, 2020 8:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Australia shuts dozens of east coast beaches after shark attacks
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Balikan ang bakbakan nina Christian (Janno Gibbs) at Patrick (Leandro Baldermor) sa 'My BFF.'
By EUNICIA MEDIODIA

 
Pumuntang lasing na lasing si Christian sa bahay ni Lyn. Hanggang ngayon hindi pa rin sila magkasundo ni Lyn kaya gusto sana niyang makausap ito ng sarilinan.
 
Nagkasagutan sila ni Lyn dahil sa kakaibang kinikilos ni Christian. Gusto ni Christian na patawarin na siya ni Lyn sa mga nagawa niyang kasalanan pero ayaw pa rin ni Lyn dahil paulit-ulit na lang itong ginagawa ni Christian.
 
Sinubukan ni Lyn patawarin si Christian nang mag-date sila muli. Tulad ng dati, nangako si Christian na magbabago at aalagaan sina Lyn at Rachel. Nangako rin siyang ipapasyal si Rachel. Dumating ang araw na iyon ngunit hindi natupad ni Christian ang pangako niya kay Rachel. Naulit na naman ang ginawang mali ni Christian. 
 
Kaya nang pumunta si Christian na lasing na lasing sa bahay ni Lyn para magpaliwanag. Hindi na siya pinakinggan ni Lyn. Pinauwi siya dahil ayaw na siyang makausap pa nito. Nagmatigas si Christian.
 
Hindi nagpaawat si Christian at hindi sinunod ang gusto ni Lyn na umalis na siya. Nakita ni Patrick ang tagpong iyon. Namagitan siya sa dalawa para pahupain ang sitwasyon.
 
Pumasok sa loob ng bahay si Lyn at naiwan sina Christian at Patrick sa labas. Pinapauwi na rin ni Patrick si Christian dahil ito ang kagustuhan ni Lyn. Nagmatigas muli si Christian. Ano ang mangyayari sa dalawa?
 
Sinuntok ni Christian si Patrick dahil pinipilit siyang umuwi nito. Gumanti ng suntok si Patrick. Nagkagulo sila. Naabutan nina Lyn at lolo Gerry ang nangyari sa dalawa.
 
Sinabi ni Patrick na si Christian ang unang sumuntok sa kanya. Itinanggi naman ito ni Christian. Nagkagulo dahil ayaw paawat ng dalawa. Mas lalong nainis si Lyn sa ginawa ni Christian. 
 
Kanino kakampi si Lyn – kay Christian o kay Patrick? Mapapatawad pa kaya ni Lyn si Christian sa dami ng atraso nito sa kanila ni Rachel? Magiging one happy family pa kaya sila?
 
Mapapanood ang My BFF pagkatapos ng Jewel in the Palace.