BEHIND THE SCENES: Cast ng 'The Gift,' nag-shoot na ng publicity photos
Divisoria ang feel ng photo shoot para sa cast publicity photos ng upcoming GMA Telebabad series na 'The Gift.'
Blind
Gaganap siya bilang si Sep, binatang mabubulag pero mabibiyayaan ng kakayanang makita ang nakaraan at kinabukasan.
Mikee Quintos
Excited na raw si Mikee Quintos na makilala ng mga manonood ang kanyang karakter na si Amor.
Manila
Gustung gusto rin daw niyang maipakita sa serye ang ganda ng itinuturing niyang hometown na Maynila.
Rochelle Pangilinan
Masaya si Rochelle Pangilinan na muling makasama ang kanyang 'Onanay' co-stars na sina Jo Berry at Mikee Quintos sa isang teleserye.