Gabby Eigenmann, nais hikayatin ang kabataan na muling magbasa ng mga libro
Nag-donate ang My Guardian Alien stars na sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Arnold Reyes, at Christian Antolin ng mga kopya ng pambatang libro na “Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien” sa Book Nook ng isang mall sa Taguig City.
Sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, natutuwa ang seasoned actor na si Gabby Eigenmann dahil sa ganitong paraan ay mahihikayat nila ang kabataan na muling magbasa ng mga libro.
Aniya, “For me, I believe that books are not yet dead, kumbaga. Kasi the technology now, halos lahat ng mga bata nasa iPad. Kahit sa school e, laptops are being used more often now, e. But ito, it's always nice for kids growing up na maka-experience pa rin na this is how you turn a page, not swiping it.”
Bukod dito, nais madiskubre ng Sparkle child star na si Raphael Landicho ang sarap sa pagbabasa ng libro.
“Actually naga-gadget din po ako pero gusto rin ma-try magbasa kasi para mas ma-upgrade pa 'yung imagination ko,” saad niya.
Samantala, kaabang-abang na mga eksena ang hindi dapat palampasin sa My Guardian Alien ngayong linggo dahil mangyayari na ang girls' night out nina Venus (Max Collins) at Grace (Marian Rivera).
Masasaksihan din dito ang hataw moves ni Grace sa dance floor, pati na rin ang sweet moments nila ni Carlos (Gabby Concepcion).
Panoorin ang buong 24 Oras report sa video na ito.
Subaybayan ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mapapanood din ang programa sa GTV sa oras na 10:30 p.m.