Filtered By: Showbiz News | News
Bea Alonzo
Courtesy: beaalonzo (IG)
Showbiz News

Bea Alonzo, naghain ng cyber libel case laban kina Cristy Fermin at Ogie Diaz

By EJ Chua
Inaksyunan na ni Bea Alonzo ang sunud-sunod na paninira sa kanya ng ilang showbiz columnists.

Tatlong magkakahiwalay na cyber libel cases ang inihain ng aktres na si Bea Alonzo sa Quezon City Prosecutor's Office.

Ayon sa Instagram post ng Kapuso reporter na si Nelson Canlas, ang criminal cases ay laban sa showbiz columnists at online hosts na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz.

Bukod kina Cristy at Ogie, kasama rin sa inireklamo ng Kapuso actress ang isang online basher na nagpapanggap na malapit umano sa kanya.

Base sa complaint affidavit ng aktres, siya ay naging biktima ng mga "mali, malisyoso at mapanirang impormasyon" na mula sa taong nagpanggap na lubos siyang kakilala.

Nakasaad din dito na ang mga maling bagay patungkol sa kanya ay pinag-usapan sa online shows nina Cristy at Ogie nang walang basehan.

Inireklamo rin ng aktres ang co-hosts ng dalawa sa kani-kanilang online shows.

Nang magtungo si Bea sa Quezon City Prosecutor's Office ay sinamahan siya ng kanyang abogado na si Atty. Joey Garcia at kanyang manager na si Shirley Kuan.

Mapapanood ang kabuuang detalye tungkol dito sa GMA news program na 24 Oras ngayong Huwebes ng gabi, May 2.

Samantala, si Bea ay parte ng star-studded cast ng upcoming series na Widows' War na mapapanood ngayong 2024 sa GMA.

RELATED CONTENT: 'Widows' War,' may pasilip sa set

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.