Gabbi Garcia bonds with fellow 'Sang'gre Alena' Karylle
Nagkaroon ng quick bonding ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia at It's Showtime host na si Karylle na kapwa gumanap bilang Sang'gre Alena sa iconic fantasy series ng GMA na Encantadia.
Noong Sabado, April 6, isa si Gabbi sa Sparkle at Kapuso stars na nag-guest sa nasabing noontime show kasabay ng debut nito sa main channel ng GMA.
Sa Instagram, ibinahagi ni Gabbi ang larawan nila ni Karylle na magkasama.
“Alena's [green heart and water emojis] missed you, ate @anakarylle!” caption ni Gabbi sa kaniyang post.
Agad naman na nag-comment dito si Karylle na nagpasalamat kay Gabbi sa maikling pagsasama nila.
“Super took a chance and was super kapal mukha to share a room and makeup artist with you @gabbi. Thanks for being so chill and everything about the kaguluhan of my morning rehearsals and all! And thanks for coming super early to adjust to me. OMG I'm soooo nahihiya,” mensahe ng TV host-singer sa aktres.
Agad naman na nag-reply si Gabbi sa kanyang Ate Karylle. Aniya, “Always happy to see you ate K!!! One of the purest hearts ever! and of course!!! That's super nothing!! thank you also for the dressing room & for all the genuine chika!! I really appreciate it. To moreeee chikas soon!!!”
Marami rin naman ang natuwa sa pagsasama nina Gabbi at Karylle, maging ng ilang celebrities na sina Carla Abellana at Tim Yap.
Ilang fans din ang nag-aabang kung magkakaroon ba ng reunion ng mga Sang'gre sa upcoming Encantadia Chronicles: Sang'gre ng GMA.
Samantala, mapapanood ang It's Showtime sa Lunes hanggang Sabado sa GMA at sa GTV.
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: The life of cast after 'Encantadia'