Filtered By: Showbiz News | News
Barbie Forteza
Showbiz News

Barbie Forteza, pinaghandaan ang pasabog na performance sa Sparkle Goes to Canada show

By Jimboy Napoles
Pinaghandaan ng Sparkle stars ang pagpapasaya sa mga Kapuso abroad para sa Sparkle Goes to Canada.

Lumipad na patungong Canada ang Sparkle stars at Kapuso love teams na sina Barbie Forteza, David Licauco, Julie Anne San Jose, at Rayver Cruz para sa kanilang international show na Sparkle Goes to Canada sa April 5 at April 7.

Pero bago umalis ng bansa, ikinuwento ng aktres na si Barbie sa GMANetwork.com ang kanilang naging paghahanda para sa nasabing show.

Kuwento ni Barbie, “Sa ngayon, nakapag-recording na ako for our production and soon magkakaroon na kami ng dance rehearsals as a group, lahat na kami with Mr. M (Johnny Manahan).”

Dagdag pa niya, “So talagang puspusan na talaga sa paghahanda para pagdating sa Canada, minor changes na lang if ever or quick rehearsal na lang pero lahat dito na gagawin, dress rehearsals, lahat ng dance and song productions.”

Kasama ring magpapasaya ng mga Kapuso abroad ang real-life Kapuso couple na sina Black Rider star Ruru Madrid, at Sang'gre actress na si Bianca Umali.

Ang Sparkle Goes to Canada ay sa direksyon ng renowned star maker at Sparkle GMA Artist Center consultant na si Johnny Manahan o kilala rin bilang si Mr. M.

Bukod dito, puspusan na rin ang paghahanda ni Barbie para sa upcoming historical drama na Pulang Araw. Makakasama niya rito ang kaniyang ka-love team na si David at iba pang Kapuso stars na sina Sanya Lopez, Dennis Trillo, at Alden Richards.

Sa nasabing serye, gaganap sina Barbie at Sanya bilang bodabil stars noong Japanese occupation sa Pilipinas kung kaya't kinailangan nilang mag-aral ng tap dancing.

Aminado naman si Barbie na nahirapan siya sa kanilang naging dance training.

Aniya, “Well, no'ng una, mahirap siya kasi bago siya sa amin ni Sanya. First time talaga namin siyang gawin, pero habang tumatagal at dumarami 'yung classes namin, unti-unti namin siyang naiintindihan kasi pinaka-importante talaga, makuha mo 'yung rhythm. 'Pag nakuha mo 'yung rhythm ng kanta, no'ng material, makukuha mo 'yung beat.”

Dagdag pa ng aktres, “So, kumbaga muscle memory na lang siya, magta-tap ka na lang talaga. 'Yun nga lang minsan nakakalito kasi magkaiba ang toe at heel kasi diba minsan napagsasabay natin parehas. So, ang tip sa amin ng teacher namin, kailangan bend your knees para hindi palaging flat sa floor 'yung feet, parang may chance ka kung alin lang 'yung ita-tap mo 'di ba? kung toe of heel lang.”

Samantala, ang unang araw ng Sparkle Goes to Canada ay magaganap sa April 5 sa Calgary, na susundan ng isa pang show sa April 7 sa Toronto.

RELATED GALLERY: Sparkle Goes to Canada tour mediacon, puno ng excitement sa nalalapit na event

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.