Article Inside Page
Showbiz News
Proud daw si Dennis na maging ama ni Julia. Ganoon din kaya si Julia?
By CHERRY SUN

Aktibo na si Dennis Padilla sa paglaban upang mapanatili ang kanyang apelyido sa legal na pangalan ng anak na si Julia Barretto.
Dumalo si Dennis sa
hearing noong Biyernes para sa kanyang motion to intervene. May limang araw siya para sagutin ang opposition ng kampo ng dating asawa na si Marjorie Barretto.
Kasama ni Dennis sa korte ang kanyang kapatid na si Gene at anak sa dating kinakasama na si Luis.
“Siguro kailangang makausap siya para malaman niya ‘yung buong istorya. Para sa akin, ang dating sa akin ang naiipit dito ‘yung bata eh,” wika ni Gene.
“Issue naman nung parents ‘yan eh. I don’t think there’s a need for the children na makialam dyan sa case,” sabi naman ni Luis.
Noong Lunes, sandaling nakausap ni Dennis si Julia sa telepono bago ito lumipad patungong London. Masama umano ang loob ni Julia dahil lumalabas sa publiko na masama siyang anak.
“Ako in-explain ko ‘yung side ko as a father. Syempre emotions were high. I don’t think naintindihan niya fully. You know, kailangan lang kay Julia siguro, merong isang tao na makapagpaliwanag ng buo on both sides,” kwento ni Dennis sa
Startalk.
She is known as “Barretto”
Sa pagpapaliwanag sa kaso, sinabi ni Atty. Lorna Kapunan, abogado ni
Marjorie Barretto, na hindi pa kasal sina Marjorie at Dennis noong ipinanganak si Julia.
“’Yung first birth certificate niya, ang nakalagay Julia Barretto because if you are an illegitimate child, pangalan ng nanay [ang ginagamit]. [Noong] November 14, 1997, nag-asawa ngayon si Dennis at si Marjorie. Ibig sabihin ‘yung illegitimate nilang anak na tawag ay naging legal or naging legitimated,” aniya.
Ngunit noong 2009 daw ay hiningi ng aktres sa korte na ideklarang null and void ang kanilang kasal for being bigamous. Hindi raw kasi totoo na hiwalay na si Dennis sa kanyang unang asawa.
Ayon kay Kapunan, desisyon na rin ni Julia na gamitin ang Barretto as her legal name. “She is known as Barretto. She grew up with her mother. Her siblings are Barretto. She is, in fact, a Barretto.”
Buwelta naman ni Atty. Mike Ramirez, legal counsel ng aktor, dapat i-dismiss ang kaso for improper venue at dahil hindi sinabihan ang mga indispensable party tulad ni Dennis na ama ng petitioner.
Hiling ng ama
Muling iginiit ng aktor na simple ngunit mahalaga ang kanyang hinihingi mula kina Marjorie at Julia.
“I’m just fighting for my family name na dala-dala ng mga anak ko. I believe hindi naman kawalan sa kanyang pagkatao na maging anak ko,” saad niya.
Aminado si Dennis na nagkaroon na rin ng lamat ang relasyon niya sa kanyang anak dahil sa mga nangyayari.
“I’m proud to be his father. I hope that she is also proud,” aniya.