Glaiza De Castro, sumalang na sa taping ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'
Sumalang na sa taping si Glaiza De Castro para sa pagbabalik bilang Pirena sa continuation ng Encantadia Chronicles sa Sang'gre.
Sa Instagram, ibinahagi ni Glaiza ang saya na muling makatrabaho si Direk Mark Reyes, na siya ring direktor noon ng Encantadia 2016 at 2005.
"Ang saya ng reunion natin direk! So happy to be working with you again! Estasectu," sulat ni Glaiza.
Ipinarating din ni Direk Mark ang excitement na muling makasama si Glaiza sa continuation ng iconic telefantasya na ito ng GMA.
"After 8 years, I'm reunited with my 2016 Sang'gre Pirena. I'm so excited to be working with you again."
Bukod kay Glaiza, magbabalik din sa bigating telefantasya sina Sanya Lopez bilang Danaya, Kylie Padilla bilang Amihan, Gabbi Garcia bilang Alena, at Rocco Nacino bilang Aquil.
Ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ay pagbibidahan nina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, Angel Guardian, kasama sina Glaiza at Rhian Ramos.
Makakasama rin sa serye sina Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES MULA SA TEASER NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANGGRE DITO: