GMA Logo mr m
What's Hot

Mr. M, nagpaplano pa ng international tours para sa Sparkle stars

By Kristian Eric Javier
Published March 14, 2024 11:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

mr m


Mapapanood din kaya ng Global Pinoys sa ibang bansa ang Sparkle Tour?

Magaganap na ngayong April ang international show ng Sparkle na Sparkle Goes to Canada tour.

Gaganapin ang Sparkle Goes to Canada tour sa Southview Alliance Church, Calgary, Canada ng April 5, 2024, at sa Toronto Pavillion, Toronto Canada naman ng April 7, 2024.

Kasama sa tour ang malalaking loveteams ng GMA Network nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz o Team JulieVer; Ruru Madrid at Bianca Umali o Team RuCa; at Barbie Forteza at David Licauco o Team BarDa. Magbibigay rin ng saya ang komedyanteng si Boobay sa Global Pinoys sa Canada.

Ayon sa direktor nitong si Mr. Johnny “Mr. M” Manahan, sismula pa lamang ito ng paglibot ng Sparkle talents sa iba't ibang bansa dahil nagpaplano pa sila ng mga karagdagang tours abroad.

Sa naganap na media con ng upcoming international show, natanong si Mr. M kung meron pang plano para dagdagan ang international presence ng Sparkle stars. Ang sagot niya, “Yes, we have plans for these artists."

Dagdag pa niya, "The more I rehearse with them, the more I find out ang galing nila, working on the same five months,” sabi niya.

Bilang teaser, sinabi ng direktor at talent manager na plano nilang magkaroon pa ng isa pang international tour sa Japan “late this year or ealry next year.”

Gusto rin niya umano magkaroon ng tour ang Sparkle artists sa U.S. at Dubai, at sinabing kakalabanin ang ginawang The Eras Tour ng international artist na si Taylor Swift sa Australia.

“Magaling sila, I'm surprised. Si Rayver, I'm very familiar with him, dati nang ano 'yan, magaling. Julie, I'm surprised with the other couples, galing nila! Lalo na 'yung David,” sabi niya.

TINGNAN ANG MGA KAGANAPAN SA MEDIA CONFERENCE NG SPARKLE GOES TO CANADA:

Samantala, sa exclusive interview ng GMA Network.com, sinabi nina Julie at Rayver na excited na sila sa possible international tours ng Sparkle stars.

Ani ni Rayver, “Exciting, and of course we're praying din na talagang maging successful 'yung show kasi nga - Yes, claiming it. Pero 'yun nga, 'pag nangyari 'yun, sobrang saya.”

Nang tanungin naman sila kung sino pa sa mga Sparkle stars ang gusto nuilang makasama, ang sagot ni Julie, “'Yung All-Out Sundays family.” Habang ang Asawa ng Asawa Ko star, masaya na siya basta kasama niya ang girlfriend at kapatid na si Rodjun Cruz.

Masaya rin ang Pulang Araw star na si Barbie sa balita, at sinabing full of surprises ang mga nangyayari ngayon sa kanilang Sparkle tour.

“Parang lahat kami naa-amaze lang kada may mababalitaan kami kasi ibig sabihin ganun talaga 'yung tiwala sa amin ng Sparkle and ng GMA,” sabi niya.