Filtered By: Showbiz News | News
bianca umali
Showbiz News

Bianca Umali, lubos ang paghanga kay Mylene Dizon: 'I really see myself in her'

By Aimee Anoc
Alamin kung bakit isa si Mylene Dizon sa mga kilalang aktres na hinding-hindi malilimutan ni Bianca Umali.

Si Mylene Dizon ang tinukoy ni Bianca Umali na pinakahinahangaan niyang aktres sa industriya.

Sa interview ng GMANetwork.com para sa Kapuso Profiles, ikinuwento ni Bianca kung bakit isa si Mylene sa mga artistang hindi niya malilimutan.

Noong 2019, nakatrabaho ni Bianca ang award-winning actress sa GMA primetime series na Sahaya, kung saan gumanap silang mag-ina.

"Number one siguro na masasabi kong mayroon akong maraming memories na hindi ko makakalimutan na veteran actor, it would be Ms. Mylene Dizon because para kaming pinagbiyak na bato, honestly, like iisang tao lang kami," sabi ni Bianca.

Ayon kay Bianca, bukod sa mga payo tungkol sa acting, humanga rin siya kay Mylene dahil marami siyang natutunan mula sa kanya tungkol sa buhay.

"Na-attach ako sa kanya because she taught me so much about life. I love how independent she is. I love how strong she is as a woman. And, I really see myself in her. Actually, nakita ko kung saan ako papunta rin. Kung gaano s'ya ka-solid as a woman," dagdag niya.

Bukod sa Sahaya, nakatrabaho na rin ni Bianca si Mylene sa GMA series na Once Upon A Kiss.

Samantala, kasalukuyang sumasalang sa taping si Bianca para sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, kung saan makikilala siya bilang ni Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.

Makakasama rin niya sa continuation ng iconic telefantasya na ito ng GMA ang tatlo pa sa bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA STORY CONFERENCE NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANGGRE SA GALLERY NA ITO:

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.