'Apoy Sa Langit,' 'Asawa Ko, Karibal Ko,' 'Dahil sa Pag-ibig,' ipalalabas sa Latin America
Nagkaroon ng courtesy call ang CEO ng Latin Media Corporation (LMC) na si Jose Escalante sa GMA top executives at artists ngayong Biyernes, March 8, sa GMA Network Center.
Ang LMC ang responsable sa pagpapalabas ng Kapuso shows sa Latin America.
Present sa pagtitipon na ito sina GMA Network CEO Gilberto R. Duavit Jr., GMA Network SVP Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA Network VP and Head for Corporate Affairs and Communications Angela Javier-Cruz, Sparkle Vice President Joy Marcelo, at GMA Worldwide Inc. Officer-in-Charge Rochella Ann Sumayao-Salvador.
Dumalo rin ang Sparkle artists na sina Sanya Lopez, Mikee Quintos, at Thea Tolentino. Nagsilbing host naman ng event si Martin Javier.
Ang pagbisita ni Escalante sa GMA ay tanda ng tumitibay na partnership ng LMC at GMA.
Dito ay opisyal na inanunsyo ang pagpapalabas sa Latin America ng mga dating programa ng GMA na ida-dub sa wikang EspaƱol, ang Apoy Sa Langit (Broken Promise), Asawa Ko, Karibal Ko (Silent Shadow), at Dahil sa Pag-ibig (For Love or Money), kung saan napanood sina Mikee, Thea, at Sanya.
Samantala, ipinalabas din sa Latin American countries noon ang iba pang shows ng Kapuso network gaya ng GMA Afternoon Prime series na Impostora, Hanggang Makita Kang Muli, at GMA Telebabad series na Onanay, na labis na sumikat abroad.
Kabilang din sa mga ipinalabas doon ang The Gift, My Special Tatay, Ika-6 na Utos, Someone to Watch Over Me, at Second Chances.