Filtered By: Showbiz News | News
jaya ramsey
Showbiz News

Jaya, mga kaibigan naaksidente sa California

By Hazel Jane Cruz
Updated On: February 20, 2024, 06:45 PM
Papunta si Jaya at mga kaibigan sa concert ni Regine Velasquez nang maaksidente sa California.

Isang balita mula sa Queen of Soul na si Jaya ang gumimbal sa mga netizens nitong ika-19 ng Pebrero, 2024.

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Jaya na siya ay nasangkot sa insidente sa Napa Valley, California nang mabangga ang kaniyang sinasakyang SUV Jeep.

Papunta sana ang singer sa concert ni Regine Velasquez sa Graton Resort and Casino, California para sa Regine Rocks pagkatapos ng kaniyang gig sa Sacramento.

Aniya, habang binabaybay nito ang daan kasama ang kaibigang doktor na si Dr. Josephine Weber at pinsan nitong si Merly Escolta ay biglang may bumangga sa likuran ng kanilang sasakyan.

“On a ride from Sacramento, California, on the way to Graton Casino to see my friends and watch Regine V's concert...when all of a sudden we get into a car collision. My friend Dr. Josephine Weber was driving and with us was Auntie Merly Escolta (her cousin) when suddenly we get hit from the back.” saad nito sa post.

Ayon sa kaniyang latest update ay nasa maayos na kalagayan na ang singer habang si Dr. Weber ay nagtamo ng pagmamaga sa kaniyang kamay. Samantala, ang kaibigan nitong si Merly ay kasalukuyang nasa ospital para sa kaniyang dialysis.

May paalala rin si Jaya sa mga netizens.

Saad nito sa kaniyang post, “Please wear your seatbelts, AT ALL TIMES WHEN YOU ARE IN A VEHICLE, especially if you're a back seat passenger.”

Umami naman ng reaksiyon at mensahe ang singer sa kaniyang Instagram post kasama na si Regine Velasquez: “Oh, my goodness. Are you [okay]?”

Nag-reply naman ang singer at sinabing, “@/reginevalcasid Love you Mare sorry di ako nakarating sa concert mo and thank you Pare @/ogiealcasid.”

Kasalukuyan namang pabalik si Jaya mula San Francisco, California papunta sa tahanan nito sa Texas.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.