Filtered By: Showbiz News | News
gabi ng lagim
Source: kapusomojessicasoho/IG
Showbiz News

'Gabi ng Lagim' ng KMJS, gagawing pelikula

By Kristian Eric Javier
Magkakaroon na ng pelikula ang paboritong Halloween special ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'

Mula sa pagiging annual Halloween TV special, magkakaroon na ng pelikula ang "Gabi ng Lagim" ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Unang inanunsyo ng GMA Public affairs at ng KMJS ang pagkakaroon ng pelikula noong Linggo, February 4. Sa video announcement ng pelikula, ipinaalam din nila na naghahanap sila ng mga nakakakilabot na kuwentong maaaring isama dito.

Bukod sa mapapasama sa pelikula ang tatlong kuwentong mapipili, mananalo rin ang mga nagpadala nito ng PhP20,000. Maaaring magpadala ng kahit ilang kuwento mula February 2 - 29, ngunit isang beses lang puwedeng manalo.

Panoorin ang announcement dito:

BALIKAN ANG MGA AKTRES NA MINSAN NANG LUMABAS SA HORROR TV SPECIALS:

Kilala ang "Gabi ng Lagim" sa mga real-life horror stories mula sa mga interviews sa mga tao, actual photos at videos, at mga audio encounters na na-record at pinadala sa KMJS.

Ito man ang unang beses na nagkaroon ng pelikula ang "Gabi ng Lagim," hindi ito ang unang pagkakataon na lumabas sa pelikula ang mga kuwento mula sa naturang annual Halloween special. Sa mga nakaraang "Gabi ng Lagim," ginawang short film ang ilang tampok na kuwento.

Samantala, noong Biyernes, February 2, ay nagpahaging na ang KMJS tungkol sa pelikula nang mag-post sila sa Instagram photo kung saan makikita ang celebrity paranormal investigator na si Ed Caluag na nakasilip mula sa gilid.

Sa text ng picture ay nagtanong ang KMJS kung “masyado pa bang maaga.”

“February pa lang pero si Ed Caluag nagpaparamdam na! Bakit kaya?!” caption nila sa post.

Tingnan ang post ng KMJS dito:

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.