'Asawa ng Asawa Ko' stars, ibinahagi ang kanilang Valentine's Day plans
Intense man ang mga emosyon sa kanilang GMA Prime series na Asawa ng Asawa Ko, naghahanda na rin ang mga lead stars nito para mag-relax kasama ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong parating na Valentine's Day.
Si Rayver Cruz, makakasama ang kanyang pamilya at ang girlfriend na si Limitless Star Julie Anne San Jose sa Araw ng mga Puso.
"Family trip. Now, naghahanap kami ng place na puwedeng mapuntahan like last year," bahagi niya.
Quality time with her boyfriend of eight years na si Jeff Ortega ang plano ni Jasmine Curtis-Smith.
"Pagdating sa special days, ang pinaka plano na lang naman namin is no work, no other plan, stay at home, order food and just enjoy each other's company," lahad ng aktres.
Birthday naman daw ng lola ni Liezel Lopez kaya ito ang pagkakaabalahan niya.
Wala pa naman daw plano si Martin del Rosario pero dahil pareho silang single ni Liezel, pabiro niyang inaya ito para maging kanyang Valentine.
"Actually wala rin ako ka-date noon, tayo na lang," sambit ni Martin.
"Game!" simpleng sagot naman ni Liezel.
Lalong nagiging exciting ang kuwento ng Asawa ng Asawa Ko dahil sa ika-apat na linggo nito, magiging ganap na bahagi na ng rebeldeng grupo na Kalasag ang karakter ni Jasmine na si Cristy.
"At some point, may tiis at may bow down ka doon sa nag-abduct sa 'yo because of survival mode. I tried to think of that kapag ako 'yung nandoon na sa eksena. 'Yun 'yung makikita niyo--kung paano siya magko-cope sa loob ng kuta," ani Jasmine.
Patuloy na tumutok sa Asawa Ng Asawa Ko, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 P.M. sa GMA Prime. Sabay rin itong mapapanood sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.
Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.