What's Hot

Chelsea, binawian ng buhay

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 1:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

YouTuber Vitaly on Philippine imprisonment: 'They really tried to break me, but it built me'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Paano haharapin ni Christian (Janno Gibbs) at Lyn (Manilyn Reynes) ang pagkamatay ng kanilang pinakamamahal na anak na si Chelsea (Jillian Ward)? 
By EUNICIA MEDIODIA
 
 
Sa simula ng My BFF, kitang-kita na masayang pamilya sina Christian, Lyn at Chelsea. Lalo pang sumaya ang kanilang pamilya sa pagdating ng bagong sanggol. Nagdadalang-tao kasi si Lyn.
 
Tuwang-tuwa rin si Chelsea. Nangako ito na oras na lumabas ang kanyang kapatid, ‘di niya ito aawayin. Excited na si Chelsea na alagaan ang nakababatang kapatid.
 
Pagkatapos ng klase ni Chelsea, bibilhan niya ng pasalubong ang kapatid niya. Sa pagbili niya, nahulog ito. Hinabol ni Chelsea ang nahulog na pinamili sa kalsada, ‘di alintana ang parating na sasakyan. Nabundol ito at dali-daling sinugod sa ospital. Magiging masaya pa kaya ang pamilya nina Christian at Lyn gayong wala na ang pinakamamahal nilang anak?
 

 
Sinisi ni Lyn si Christian sa nangyari kay Chelsea. Ito kasi ang nakatokang sunduin si Chelsea sa paaralan. Hindi ito nagawa ni Christian dahil sinugod niya sa ospital si Lavender. Nagulat na lang siya na matagpuang walang malay si Chelsea sa parehas na ospital. Matanggap niya kaya ang kanyang pagkakamali?
 
Napansin ni Lyn ang kasamang babae ni Christian sa ospital – si Lavender. Nakita pa ni Lyn na buntis si Lavender. Nanghinala ito na may namagitan kina Christian at Lavender. Si Lavender kaya ang magiging ugat ng pagkasira nina Lyn at Christian?
 
Magiging happy pa kaya ang kanilang family?
 
Alamin kung magkakaayos pa sina Christian at Lyn sa My BFF pagkatapos ng Jewel in the Palace.