Filtered By: Showbiz News | News
louise delos reyes
Showbiz News

Louise delos Reyes, umaming "picky artista" sa ngayon

By Nherz Almo
May bagong career na gustong subukan si Louise delos Reyes. Alamin dito:

Pansamantalang isinantabi ni Louise delos Reyes ang pag-aartista para mag-focus sa bago niyang kinahihiligan, ang pagbe-bake.

Sa katunayan, noong nakaraang taon, nag-enroll ang dating Tween Hearts star sa Academy of Pastry and Culinary Arts (APAC) para mas palawigin pa ang kanyang kaalaman sa kanyang bagong career.

“I think isa ako sa mga picky na artista ng Viva,” nakangiting sabi ni Louise nang kumustahin siya ng entertainment media sa press conference ng Itutumba Ka ng Tatay Ko kamakailan.

Patuloy pa ng 31-year-old actress, “Pinipili ko lang talaga yung mga projects na para sa akin gusto ko at may impact sa career ko.”

Ito ang dahilan kaya mas madalang nang napapanood ngayong ang aktres sa telebisyon at pelikula. Bago ang Itutumba Ka ng Tatay Ko, na mapapanood ngayon sa mga sinehan, naging bahagi si Louise ng hit Metro Manila Film Festival 2022 entry na Deleter at ng horror movie na Marita (2023).

Paliwanag ni Louise, “Since last year po kasi naging full-time pastry student ako sa sa APCA. So, I'm pursuing this side of me naman. Kung si Kuya Janno [Gibbs] magdidirek, ako naman sa pagiging pastry chef.”

Ayon kay Louise, nakatakda siyang magtapos sa kanyang kuros sa April ngayong taon.

“Hopefully, maganda rin ang takbo ng career ko doon,”pagtatapos niya.

SAMANTALA, NARITO ANG ILANG ARTISTANG NAKA-GRADUATE SA EDAD NA 30 PATAAS:

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.