GMA Logo jillian ward
Courtesy: jillian (IG)
What's Hot

Jillian Ward, pinuri ng kapwa celebrities sa kanyang singing talent

By EJ Chua
Published January 19, 2024 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Trump says Putin has been invited to join Board of Peace
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

jillian ward


“Nung umulan ng talent… nasalo mo lahat…” komento ng ilang celebrities tungkol kay Jillian Ward.

Isa si Jillian Ward sa Sparkle stars na talaga namang sinusubaybayan ngayon ng napakaraming viewers.

Bukod sa napakahusay na pagganap ni Jillian bilang si Doc Analyn sa Abot-Kamay Na Pangarap, mayroon pa siyang ibang mga proyekto at guestings.

Sa kanyang official Instagram account, isang video ang inupload ng young actress, kung saan mapapanood siyang kumakanta habang nasa isang stage.

Mala-concert na song number ang inihandog ni Jillian sa ilan sa kanyang fans, na maririnig na napapahiyaw sa kanyang performance.

A post shared by Jillian Ward (@jillian)

Sa comments section ng uploaded video, mababasa na ilang celebrities ang humanga sa singing talent ng tinaguriang Star of the New Gen.

Ayon sa komedyanteng si Gladys Guevarra, “Nung umulan ng talent, nasa labas ka non, nasalo mo lahat.”

“Sabagay, bata ka pa naman non kita na 'yang hilig mo sa pagkanta at pagsayaw. You're my forever bebe Jillian Ward.”

Sagot ni Jillian sa komento ni Gladys, “I love you po, ma Gladys ko [heart emojis].”

Napa-comment din ang aktres na si Diana Zubiri, “Galing [clap emojis].”

Nagpasalamat naman ang Sparkle star kay Diana, “Thank you po.”


Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 44, 000 views ang video ni Jillian habang bumibirit ng kantang "Through the fire."

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: