Bianca Umali, overwhelmed sa mainit na pagsalubong sa kanya sa Navotas
Na-overwhelm si Bianca Umali sa mainit na pagsalubong sa kanya ng fans sa pagbisita sa Navotas para sa ika-118 anniversary ng lungsod noong Martes, January 16.
Nakasama rin ng Sang'gre actress sa pagdiriwang ang Abot-Kamay Na Pangarap star na si Jillian Ward.
Sa report ni Cata Tibayan sa Showbiz Saksi, ibinahagi ni Bianca ang sayang naramdaman sa natanggap na suporta mula sa kanyang mga tagahanga.
"I really push to do more activities like this kasi gusto kong mas mapalapit sa kanila," sabi ng aktres.
Ibinahagi rin ni Bianca ang excitement para sa bigating serye na Encantadia Chronicles: Sang'gre kung saan gaganap siya bilang Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.
Makakasama rin ni Bianca sa continuation ng iconic telefantasya ng GMA sina Kelvin Miranda, Faith Da Silva, Angel Guardian, kasama sina Glaiza de Castro at Rhian Ramos.
Panoorin ang pagbisita nina Bianca Umali at Jillian Ward sa Navotas sa Showbiz Saksi:
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA STORY CONFERENCE NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANGGRE SA GALLERY NA ITO: