Sanya Lopez, inaalay ang tap dancing na ginagawa para sa mga vaudeville
Para sa Kapuso actress na si Sanya Lopez, ang pag-aaral at pagbibigay nila ng co-star niyang si Barbie Forteza ng tap dancing para sa upcoming historical series na Pulang Araw ay paraan nila para irespeto ang mga vaudeville noon at ngayon, kung meron pa nito.
Sa interview niya sa Updated with Nelson Canlas podcast, ibinahagi niya ang kahilingan na mabigyan pa sila ni Barbie ng mas mahabang oras para aralin ang tap dancing.
“Sana mabigyan kami ng pagkakataon na maaral talaga namin 'to ng todo-todo ni Barbie kasi pagbigay respeto rin sa mga tap dancers at sa mga vaudeville noon hanggang ngayon naman kung meron pa rin,” sabi niya.
BALIKAN ANG PAGPIRMA ULI NI SANYA NG EXCLUSIVE CONTRACT SA GMA SA GALLERY NA ITO:
Kailan lang ay bumisita at nakausap ni Sanya at ang Pulang Araw co-star na si Ashley Ortega ang dalawang comfort women noong panahon ng World War 2. Nakapanayam nila sina Lola Estelita at Lola Narcisa at naging emosyonal sa kanilang pag-uusap.
“Natutunan ko 'yung tapang, lakas ng loob, 'yung faith nila na makakalagpas sila sa buhay na meron sila," emosyonal na sinabi ni Sanya.
"Isa sa greatest lesson is dapat sa mga kabataan ngayon maging grateful kayo dahil napakaswerte natin ngayon," paiyak na sinabi ni Ashley.
Dahil dito ay lalong naging motivated ang dalawang stars na pagbutihin sa kanilang upcoming project.
Sa interview niya sa podcast, sinabi niyang malaki ang respeto nila sa mga tap dancers lalo na nang masubukan nila ang sayaw.
“Kailangan coordinated lahat, meron tayo, oo, kailangan i-memorize mo rin kung ano 'yung steps kasi merong iba't ibang tawag dun sa steps nila, tapos 'yung kailangan malambot 'yung sa may paa mo kasi 'pag mali, masakit sa paa, 'yun talaga nakaka-cramps,” pagbabahagi ni Sanya.
“'Yun din kailangan memorize mo, e mabilis dapat 'yung paa doon kaya sabi ko, 'oh my gosh, kakayanin ba natin 'to?'” dagdag nito.
Sa ngayon ay patuloy pa rin si Sanya at Barbie sa kanilang pagte-train sa tap dancing.
Pakinggan ang interview ni Sanya rito: