
Isa sa mga kaabang-abang na serye ng GMA ngayong 2024 ang upcoming primetime series na My Guardian Alien.
Related content: Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins at iba pang Kapuso stars, nagsama-sama sa story conference para sa bagong serye
Ang nasabing serye ay pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.
Sa Instagram story posts ni Max, ipinasilip ng Kapuso actress ang dalawang clips ng bagong karakter na gagampanan niya sa serye.
Sulat niya sa kanyang posts, “As a sweet girl” at “As a mean girl.”
PHOTO COURTESY: maxcollinsofficial (IG)
Sa isang panayam, ibinahagi ni Max na kakaiba ang gagampanan niyang role sa My Guardian Alien dahil ito ang unang pagkakataon na gaganap siyang kontrabida.
“Iba ito from anything I've done before because this is going to be my first time playing a kontrabida sa teleserye and it's something I'm looking forward to because challenging siya for me and, at the same time, fun because it's nice not to cry all the time. So it's going to be a little lighter for me, I think, on that aspect,” aniya.
Kabilang sa cast ng My Guardian Alien sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Caitlyn Stave, Josh Ford, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Christian Antolin, Tart Carlos, at Marissa Delgado.