
Masayang nakapanayam ng television host na si Toni Gonzaga sa kaniyang YouTube channel ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.
Sa pag-uusap ng dalawa, iba't-ibang aspeto ng buhay ni Alden ang napag-usapan tulad ng pamilya at karera nito.
Related content: Alden Richards' career highlights
Isa sa mga tanong ni Toni ay kung paano hinaharap ni Alden ang mga tsismis sa loob ng 13 na taon niya sa industriya.
Ayon kay Alden, maraming tsismis tungkol sa kanila ni Maine Mendoza noong panahon ng kanilang loveteam na AlDub. Kabilang sa mga rumor na ito ay ang pagiging kasal umano ng dalawa at ang pagkakaroon nila ng anak.
“Mayroon silang sarili nilang storytelling,” ani ng Kapuso star. Patuloy niya, “All along, akala ko by the time na Maine and Arjo became public and then they got married, eventually [mawawala na ang rumors]. Andiyan pa rin po.”
Dagdag pa niya, “I already said my piece about this. It's not true. Wala pong katotohanan lahat. Wala po kaming anak. We never got married. We don't have a love child.
“But right now po, I'm at that point na masaya po sila doon, e. Tatanggalin ko pa ba? Ira-rub ko pa ba sa mga buhay nila na, 'Wala nga. 'Wag kayong makulit.' I'm not that kind of person. I always support [the] happiness of people.”
Matapos ito, tinanong ni Toni si Alden tungkol sa bagay na "pagod" na siyang marinig. Ayon sa aktor, ito ay ang intrigang pinagdududahan ang kaniyang sekswalidad.
“Sa gender issue. Tingin n'yo gano'n, fine. Tingin n'yo bading, fine. Ang iniisip ko nga minsan kapag may gano'ng mga rumors, 'Wala na bang iba?'” sagot niya.
Dagdag pa ni Alden, madaling manghusga ang iba tungkol sa kasarian ng mga aktor, lalo na kung wala itong girlfriend.
“'Yung judgment call sa gender ng mga kalalakihan sa industriya natin, ang dali just because of that fact. But ako po, parang pupunta ba ako sa route na 'yon dahil gusto ko na naman mag-please?
“I have my life right now. I am happy, perfectly happy with what I have, what I'm able to do at the moment. I seize every opportunity, sayang, there's time for that,” paliwanag niya.
Sa huling bahagi ng interview, ibinahagi ni Alden ang bagay na pinakapinagpapasalamat niya. Ayon sa Family of Two star, ito ay ang mga taong nananatili sa kaniyang tabi.
“I'm very grateful for the people who have been there for me, even at my lowest of lows. Even though, I'm pushing them away. Sometimes, when you're not in a good place, you push people away.
"You want to be alone na 'You don't understand me. You don't know what I'm going through.' Nakakalungkot lang na I hurt these people, these people who love me unconditionally. I am very sorry about it, the way I treated them. But still, they tend to forgive me for that. Doon ako grateful,” aniya.
Panoorin ang buong usapan nina Alden Richards at Toni Gonzaga sa video sa ibaba.