THEN AND NOW: The evolution of 'Eat Bulaga' stars
"Isang libo, isang tuwa."
Forty-two years na nating naririnig ang mga salitang 'yan mula sa longest running noontime show ng bansa, ang 'Eat Bulaga.'
Sa loob ng apat na dekada, nakasama natin ang mga grupo ng TV hosts at performers na nagbibigay-aliw tuwing sasapit ang tanghalian. EB "Dabarkads" kung sila ay tawagin ngayon na pinangungunahan nina Vic Sotto, Joey De Leon, at Tito Sotto.
Sa tinagal-tagal na ng 'Eat Bulaga' sa telebisyon, marami na rin ang nagbago sa noontime show at hindi diyan maikakaila ang itsura ng mga naging at kasalukuyang hosts nito.
Patunay lang ito na patuloy ang paghasa ng 'Eat Bulaga' sa galing sa pagho-host at pagpe-perform ng cast nito, na dahilan kung bakit nila piniling manatiling maging EB Dabarkads.
Silipin ang ultimate throwback photos ng paborito ninyong 'Eat Bulaga' stars sa gallery na ito.
Wally ngayon
Panalo ang mga hirit niya sa tuwing nasa "Bawal Judgmental" kasama sina Maine Mendoza, Jose Manalo at Paolo Ballesteros.
Jose noon
Dating production assistant at naging floor director din si Jose Manalo sa 'Eat Bulaga.'
Jose ngayon
Kinikilala si Jose bilang isa sa mga magagaling na komedyante ngayon kaya naman hindi na sorpresa nang naging parte siya ng reality-based artista search na 'StarStruck' Season 7 council.
Paolo ngayon
Bukod sa pagiging mahusay na TV host, isa na rin award-winning actor ngayon si Paolo Ballesteros
Toni ngayon
Masaya na ngayon si Toni bilang misis ni Direk Paul Soriano at ina sa anak nilang si Seve.
Gladys noon
Sumikat din ang comedienne na si Gladys Guevarra nang mapabilang siya sa longest-running noontime show ng bansa. Dito ay nakilala siyang "Chuchay," na character niya sa "Bulagaan" segment ng noontime show.
Gladys ngayon
Ngayon, happily married na si Gladys sa non-showbiz personality na si Mike Navarrete. Kasalukuyang silang naninirahan sa Amerika.
Christine noon
Kasama sa mga main hosts ng 'Eat Bulaga' noong '90s ang Pinay swimmer na si Christine Jacob.
Christine ngayon
Ipinagpapatuloy pa rin ni Christine ang buhay TV host ngayon bilang parte ng CNN Philippines.
Ruby noon
Isang "institusyon" na maituturing si Ruby Rodriguez sa 'Eat Bulaga' kung saan siya nagsilbing host sa loob ng 31 years.
Ruby ngayon
Gumawa ng ingay sa social media ang pag-anunsyo ni Ruby tungkol sa bagong niyang trabaho sa Philippine Consulate sa Amerika. Paglilinaw ng komedyante, nag-file siya ng leave of absence sa 'Eat Bulaga' para lumipad sa papuntang Amerika, kung saan sila residente ng kanyang pamilya. Ang kanyang pag-alis ng bansa ay para ipagamot ang bunsong anak na si AJ na may rare auto-immune disease na Henoch Schonlein Purpura. Gayunpaman, hindi naman daw isinasarado ni Ruby ang kanyang pinto kung sakaling pabalikin siya sa 'Eat Bulaga.'
Jimmy Santos
Nakilala si Jimmy Santos nang lumabas bilang Bondying sa 'Mars Ravelo's Bondying: The Little Big Boy' at sa catchphrase na "I love you 3x a day" noong '80s bago napabilang sa 'Eat Bulaga' noong '90s.
Jimmy ngayon
Ngayon ay isa nang certified vlogger si Jimmy. Ang kanyang YouTube channel na may pangalan na "Jimmy Saints" ay mayroon nang mahigit 300,000 subscribers.
Pia noon
TV host sa kabilang istasyon si Pia Guanio bago pumasok sa 'Eat Bulaga' noong 2003. Matapos mapabilang sa noontime show, umarangkada ang career ni Pia nang maging 'Chika Minute' anchor ng '24 Oras' mula 2004 hanggang 2005, at host ng defunct GMA talk shows na 'S-Files' at 'Showbiz Central,' at informative show na 'Ang PInaka' nang tatlong taon.
Pia ngayon
Ngayon ay may dalawang anak na ang 'Eat Bulaga' host na sina Scarlet Jenine at Soleil Brooklyn sa asawang si Steeve Mago.
Alden noon
Naghatid naman ng kilig si Alden Richards nang pumasok siya sa 'Eat Bulaga' noong 2015. Dito ay segment host siya ng 'That's My Bae' kasama si Sam YG. Sa noontime show din nadiskubre ang phenomenal chemistry nila ni Maine Mendoza, na unang lumabas na bilang Yaya Dub sa 'Juan For All All For Juan' portion ng 'Eat Bulaga.' Nahuling kinilig si Maine nang ipakita si Alden habang naka-split screen ang studio at remote.
Alden ngayon
Nabuwag man ang love team nina Alden at Maine, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kanilang individual careers. Sa ngayon ay napapanood ang Asia's Multimedia Star sa GMA primetime series na 'The World Between Us.'
Maine noon
Inimbitahan ng 'Eat Bulaga' mag-audition si Maine Mendoza matapos pumatok online ang kanyang Dubsmash videos. Hindi naman siya nabigo nang makuha siyang remote co-host kasama sina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.
Maine ngayon
Ngayon ay patuloy ang pagbibigay ng saya ng binansagang "The Phenomenal Star" bilang segment host ng "Bawal Judgmental."
Ryzza Mae noon
Ang pagkapanalo ng noo'y seven years old na si Ryzza Mae Dizon sa 'Little Miss Philippines' portion ng 'Eat Bulaga' ang nagbukas sa kanya para mapabilang sa EB family. Dahil sa kanyang pagiging biba, nagkaroon pa ng sariling show si Ryzza Mae, na napanood bago ang noontime show, na pinamagatang 'The Ryzza Mae Show' kung saan siya mismo ang nag-i-interview sa kanyang mga guest tulad ng bigating artista na sina Kris Aquino, Michael V., at Pops Fernandez.
Baeby Baste ngayon
Sa ngayon ay hindi muna napapanood ang eight-year-old child star sa 'Eat Bulaga' dahil sa COVID-19 quarantine restrictions. Kasalukuyan siyang nasa General Santos City kasama ang inang si Shiela at kapatid na si Sam.