Coney Reyes is all smiles with her 'Shining Inheritance' co-stars Kate Valdez, Kyline Alcantara, and Michael Sager
Ang upcoming Philippine adaptation ng well-loved Korean drama series na Shining Inheritance ay isa sa mga kaabang-abang na serye ng GMA.
Related content: Cast ng PH adaptation ng KDramang 'Shining Inheritance,' nagkita-kita na sa story conference
Ito ay pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.
Sa katunayan, nagsimula na ang taping para sa nasabing serye at makikita sa social media ang nakatutuwang bonding ng cast off-cam. Sa Instagram ni Coney, ibinahagi niya ang mga larawan kung saan masaya siyang kasama ang kanyang co-stars na sina Kate, Kyline, at Michael habang nasa set ng serye.
Samantala sa Instagram ng GMA Network, mapapanood ang behind the scenes footage ng GMA Christmas Station ID 2023, kung saan game na itinuro ni Kyline kay Coney ang steps ng “GENTO” ng P-pop group na SB19. Makikitang agad na nasundan ng beteranong aktres ang steps ng sayaw.
Kabilang din sa cast ng Shining Inheritance sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charuth.