Alden Richards at Sharon Cuneta, mag-ina na ang turingan in real-life
Kitang-kita ang nabuong magandang relasyon nina Alden Richards at Sharon Cuneta sa media conference kamakailan ng kanilang unang pelikula together na A Family of Two (A Mother and Son Story) na isa sa mga kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival.
Sa nasabing pelikula, gumaganap sina Alden at Sharon bilang mag-ina na sina Maricar at Matteo. Dahil maagang nabiyuda si Maricar, umikot na ang bundo nito sa kanyang nag-iisang anak na si Matteo.
Ayon kay Alden, tila walang pinagkaiba sina Sharon at ang kanyang ina kung kaya't naging magaan ang taping ng kanilang pelikula.
Aniya, “Wala e. Parehong pareho kaya hindi ako nahirapan talaga. I don't really call acting as performing e. Wala e, everything just goes naturally. Very natural and ang seamless ng flow.”
Kuwento pa ng Kapuso actor sa press, “Kapag umaarte na po ako ngayon, of course nandiyan pa rin 'yung inspiration ng nanay ko, pero ang bilis ko lang na-attach talaga doon sa character ni Matteo kasi parang basically, in real life my mom is absent but this time, my father is absent naman in the movie. So, parang ganun, whenever we do scenes, kaming dalawa ni mama [Sharon Cuneta], like what she said, madali.”
Dagdag pa niya, “Kasi po parang spontaneous 'yung dating ng emotion, and at the same time it's not like acting at all whenever we do those scenes. Ang gaganda kasi ng linya e.”
Puring-puri rin ni Megastar ang kanyang anak-anakan na ngayon na si Alden. Aniya, May I just add, sobra 'yung bonding namin ni Alden. I didn't expect, when I wrote you a letter, sabi ko, 'Parang napapanood lang kita, hindi ko naman akalain na parang darating sa buhay ko na makakabond kita ng ganito.'”
“I'm so grateful for this project. Super grateful,” ani pa ni Tita Shawie.
Sa pagtatapos ng media conference ng kanilang pelikula, nagyakapan pa sina Alden at Sharon, tanda ng pagiging close na nila sa isa't isa.
Samantala, maglalaro naman bukas, December 8, sina Alden at Sharon sa family game show ng GMA na Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes. Ito ang magsisilbing comeback ni Sharon sa Kapuso network matapos ang maraming taon.
Magiging abala rin si Alden sa sunod-sunod niyang proyekto gaya ng pelikula kasama si Heaven Peralejo, at ang Kapuso series na Pulang Araw kasama sina Sanya Lopez, David Licauco, at Barbie Forteza.