Raphael Landicho, Caitlyn Stave, and Josh Ford show their cool dance moves in new video
Ongoing na ang taping ng upcoming GMA primetime series na My Guardian Alien, na pagbibidahan nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.
Related content: Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins at iba pang Kapuso stars, nagsama-sama sa story conference para sa bagong serye
Makikita sa social media ang masayang bonding moments ng cast off-cam. Isa na rito ay ang fun video ng Kapuso young stars na sina Raphael Landicho, Caitlyn Stave, at Josh Ford.
Sa Instagram, ipinamalas nina Raphael, Caitlyn, at Josh ang kanilang dance moves nang gawin nila ang isang dance trend.
“Back it up,” sulat sa caption.
Bukod dito, nakasama ni Raphael sa kanyang “birthday TikTok” ang social media star na si Christian Antolin, na bahagi rin ng My Guardian Alien.
Samantala, nakatanggap ang Kapuso child actor ng regalo na iPad mini mula kay Marian nang ipagdiwang ang kanyang 11th birthday. Labis ang pasasalamat ni Raphael sa aktres dahil sa birthday present nito sa kanya.
“Best day ever! Thank you po[,] Ate Yan @marianrivera sa bday gift. Kala ko po chocolate. Kaya po pala [hindi] mo ako masyado pinapansin kasi may pa-surprise ka po. Super happy po ako thank you po… Love you mommy…#bestgiftever #happyme,” sulat ni Raphael.