Marian Rivera, nag-react sa usap-usapang malaki ang chance niyang manalo bilang best actress sa MMFF 2023
Napangiti ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa panayam niya kasama ang entertainment press nitong Sabado, November 25 nang tanungin siya sa reaksyon niya na maraming nagsasabi na malaki ang chance na manalo bilang Best Actress sa Metro Manila Film Festival 2023.
Bibida si Marian at asawa niya na si Dingdong Dantes sa pelikula na dinirehe ni Mae Cruz Alviar na Rewind.
Sagot ng award-winning Kapuso actress na maari siyang manalo ng acting award: “Panoorin n'yo na muna, kasi madali magsabi ng mga ganiyan,” sabi ni Marian. “Ang gusto ko mapanood n'yo 'yung pelikula, magustuhan n'yo 'yung pelikula. At the same time, 'pag pinanood n'yo 'yung pelikula sinasabi ko sa inyo mas mamahalin n'yo 'yung pamilya n'yo. Mas bibigyan n'yo ng time 'yung pamilya n'yo.”
Nagpaunlak ng interview si Marian sa mga press na dumalo sa event para sa ineendorso niyang flavor seasoning na AJI-GINISA sa Blue Leaf, Mckinley sa Taguig nitong November 25.
Ayon sa Tadhana host na matagal na talaga niya gusto gumawa ng heavy drama movie tulad ng Rewind..”
“Naku, kita n'yo naman trailer pa lang kaabang-abang na. Sabi ko nga, ito 'yung isang pelikula talaga na pinakahihintay ko na magawa. Kasi, palagi akong comedy kapag nagpepelikula. Parang wala talaga ako heavy drama,” ani Marian.
“So, this time parang isa 'to sa mga pangarap ko na nagawa ko this year at kasama ko pa 'yung asawa ko with Star Cinema, with Agosto Dos [and] with Triple A. Sama-sama kami dito na talagang gusto namin i-offer sa mga tao na para sa Pasko talaga, para sa kanila.”
Perfect gift din daw ang MMFF entry nila para sa kanilang pinakamamahal na DongYan fans.
“Kasi, 13 years kami hindi nagsama together, so ito 'yung comeback namin dalawa. So sa mga DongYan diyan ito na 'yung hinihintay nila.”
TINGNAN ANG SPARKLING CAREER NI MARIAN RIVERA SA GALLERY NA ITO: