'She and Her Perfect Husband,' may bitbit na kilig vibes
Ngayong Lunes, November 20, nagsimula nang umere sa GMA ang Chinese drama series na pinabagong tampok ng GMA Heart of Asia.
Ang bagong programa ay pinamagatang She and Her Perfect Husband.
Kabilang sa Chinese actors na tampok dito ay sina Xu Kai, Tang Jing Mei, Li Ze Feng, Wang Zi Xuan, at Yang Mi.
Kaabang-abang ang perfect dose ng kilig na dala ng istorya tungkol sa dalawang indibidwal na matatagpuan ang pag-ibig sa hindi inaasahang paraan at pangyayari.
Ang multi-awarded Chinese actress na si Yang Mi ay napapanood sa serye bilang isang female lawyer na si Felicity.
Ang award-winning actor naman na si Xu Kai ay kilala ngayon sa naturang series bilang si Noah, isang binata na masaya na sa simple at chill na pamumuhay.
Sa isang iglap, labis na magbabago ang takbo ng buhay nina Felicity at Noah.
Ano kaya ang mangyayari sa kanila?
Handa kaya sila na magkaroon ng instant na makakasama sa araw-araw na buhay?
Subaybayan ang She and Her Perfect Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA-7.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA PINOY CELEBRITIES NA MAY LAHING CHINESE SA GALLERY NA ITO: