Claudine Barretto, sinorpresa ng mga anak sa unang araw ng taping sa 'Lovers/Liars'
Tuloy na tuloy na ang pagbabalik-teleserye ni Philippines' Optimum Star Claudine Barretto sa pinakabagong collaboration drama series ng GMA Network at Regal Entertainment, ang Lovers/Liars.
Noong Lunes, November 6, nagsimula na sa taping ang batikang aktres para sa Lovers/Liars.
Sa unang araw ng taping, nakatanggap ng sorpresa si Claudine mula sa mga anak na sina Santino, Sabina, Quia, at Noah na bumisita sa set at binigyan siya ng bulaklak.
"Thank you so much my babies for surprising me on my 1st day of taping @sab_barretto @santinosantiago12 [I love you] all so much. This is for [you] kiddos and for all my #claudinians," sulat ni Claudine sa kanyang Instagram post.
Sa Lovers/Liars, makikilala si Claudine bilang Via Laurente, CEO ng isang real estate company.
Makakasama rin ni Claudine sa noncoventional triple-plot drama series na ito sina Shaira Diaz, Yasser Marta, Rob Gomez, Kimson Tan, Michelle Vito, Sarah Edwards, Polo Ravales, Christian Vasquez, at Lianne Valentin.
Ang Lovers/Liars ay mula sa direksyon ni Crisanto Aquino at likha nina Jose Javier Reyes at Noreen Capili.
Abangan ang Lovers/Liars ngayong November 20, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.