Bianca Umali, may mensahe sa mga dating Sang'gre
Nakatanggap ng pagbati si Bianca Umali mula sa mga dating Sang'gre na sina Glaiza De Castro, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez sa naganap na story conference ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Noong October 23, matatandaan na si Bianca ang unang ipinakilala bilang isa sa mga bagong henerasyon ng Sang'gre. Sa continuation ng iconic telefantasya ng GMA, makikilala siya bilang Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.
Pagbati ni Glaiza, na gumanap bilang Sang'gre Pirena sa Encantadia 2016, "Congratulations, [Bianca] and welcome sa mundo ng Encantadia. Alam kong matagal mo na 'tong inaantay. Ito na, finally, we're starting. We're so excited to have you and very happy ako for you. Good luck and let's do this."
Nagbigay rin ng mensahe si Gabbi para kay Bianca. Sa Encantadia 2016, napanood si Gabbi bilang Sang'gre Alena, na naging tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig.
"Ito na nagbabalik na ang Encantadia and congratulations sa 'yo Bianca. Bianca, I know you work so hard for this one. Nakita naming lahat 'yung mga trainings mo, 'yung mga paghihirap mo. And this is it. You deserve the role and I know you'll do great sa role mo. Welcome to Encantadia family. I hope to see you and work with you soon," mensahe ni Gabbi.
Nakatanggap din si Bianca ng pagbati mula sa dating tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa na si Sang'gre Danaya, na ginampanan ni Sanya Lopez sa Encantadia 2016.
"Hi Bianca, congratulations for this project at ikaw ang pinakabagong aabangang Sang'gre sa primetime. Avisala! At maligayang pagdating sa mundo ng Encantadia. Sabik na akong makasama ka sa project na 'to at lalo na first time nating magkakasama rito," masayang sabi ni Sanya.
Sa interview ng GMANetwork.com, nagpaabot ng pasasalamat si Bianca para sa suportang natanggap mula sa mga dating Sang'gre.
"Sa lahat po ng mga Sang'gre to Ms. Glaiza, Gabbi, Kylie, and Sanya, avisala! Maraming salamat sa inyong pagtanggap sa akin, sa inyong suporta. It means the world to me nu'ng narinig ko 'yung mga mensahe ninyo. I promise, I will continue your legacy. Mahal ko kayong lahat."
Panoorin ang mensahe ng dating cast ng Encantadia para sa bagong henerasyon ng mga Sang'gre sa video na ito:
Makakasama ni Bianca bilang bagong henerasyon ng mga Sang'gre sina Faith da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA STORY CONFERENCE NG SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: