
Lalong magiging kaabang-abang ang mga hapon sa GMA sa pagsisimula ng bagong lakorn na The Deadly Affair mamaya, Oktubre 23.
Ang bagong Thai drama ay iikot sa kwento ng buhay nina Tom (James Jirayu Tangsrisuk) at Ceejay (Gina Yeena Salas).
Nasentensiyahan at nakulong si Tom matapos nitong ma-hit-and-run ang fiance ni Ceejay, ngunit nang makitaan si Tom ng “good behavior” ay pinayagan siya na makalabas nang mas maaga sa kanyang sentensya.
Ang desisyon ay ikinagalit ni Ceejay at nagtulak sa kanya na i-detain si Tom sa isang isla bilang parusa.
Ano ang nag-aabang kay Tom sa kamay ni Ceejay? Maayos pa kaya ang pakikitungo nila sa isa't isa?
Subaybayan ang kwento ng pighati, paghihiganti, at pagmamahalan sa The Deadly Affair, Lunes hanggang Biyernes, sa ganap na 5:10 p.m. sa GMA.